Chapter 8
The Dark Side
Yssa's Point of View
Halos masuka-suka ako nang magising ako. Sobrang sakit ng ulo ko at hilong-hilo na ako. Hindi ko na rin lubusang maidilat ang mata ko.
Hindi ako maaaring magkamali. Ramdam na ramdam ko ang lamig ng kadenang nagkukulong sa dalawa kong paa at mga braso.
Bumukas ang pinto. Tumambad sa akin ang nakangising mukha ni Angeli. "Well, you're already awake."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Putangina! Pakawalan mo akong hayop ka!" Napahalakhak siya at marahan akong hinaplos ang aking pisngi.
"Ang problema kasi sa'yo, Yssa. Ikaw na nga ang nakikisuyo, ikaw pa ang matapang," saad niya at marahas na pinisil ang pisngi ko habang unti-unting bumabaon ang mahahaba at matatalim niyang kuko.
"Nasasaktan ka ba, Yssa? Well, it is just the start. Wanna meet Sakura? I bet you can't, because she will surely drag you to her favorite kingdom."
Binitawan niya ako, tumalikod siya at lumabas. Mula rito ay naririnig ko ang utos niya sa kung sino sa labas. Nag-umpisang manakit ang panga ko dahil sa pagkakahawak niya kanina.
Naging itim ang aking paligid nang magsipasukan ang mga lalaking naka-tuxedo at natatakpan ng mask ang kanilang mga mukha.
"Bitiwan niyo ako! Saan niyo ba ako dadalhin?" paghihisterikal ko. Nag-umpisa akong magwala.
"Sorry, sumusunod lang kami kay Madam Sakura. Saglit lang naman 'to. Pansamantala ka lang namang matutulog. Kailangan mo lang tumahimik."
Hindi na ako makahinga nang may kung anong dumaplis sa batok ko. Pinilit kong panatilihing bukas ang aking mata, ngunit nabigo ako. Nag-umpisang manlabo ang mata ko at hatakin ng antok.
Nang muli akong magising ay nakatali na ang aking mga kamay at halos mangalay na ako dahil sa pagkakatali ko sa isang bangko.
"M-may tao ba rito? Tulungan niyo na kami, maawa kayo," asik ko. Hindi ko pa lubusang maidilat ang aking mata dahil sa pagod. "Tulungan niyo ako! Tulungan niyo kami!"
Naramdaman ko ang paglapit ng isang yabag. Maliliit, marahil ay mula sa isang babae. Isang hakbang. Pangalawang hakbang. Lumalakas habang unti-unting lumalapit sa aking kinaroroonan.
Ngunit tumahimik ang paligid. Animo'y isang senaryo kung saan tanging tunog lang ng mga kulisap ang maririnig.
"Yssabella Caspian," mahina niyang bulong. Doon ay nabuhay ang aking diwa. Kilala ko ang boses na 'yon.
"Y-you're Sakura?!" Tumango siya at humagikgik.
"Demonyo ka! Y-you betrayed us!" sigaw ko.
"Kung makapagsalita ka'y parang wala kang ginawa noon. Hindi ba at nagtraydor ka rin?! Marami kang sinira! Ikaw ang pinakawalang k'wentang tao na nakilala ko!"
"W-wala akong kasalanan sa kahit na sino!" takot pero matapang kong sagot.
"Really? Gusto mo bang maalala lahat bago ka mamatay nang paunti-unti?! Bago kita pahirapan?! Bago mo makita ang mga bangkay niyong lahat?!"
Nag-umpisa akong humagulgol. "Allison... iligtas mo ako, please."
"Nauna ko na siyang pinatay... matagal ko na siyang pinatay. Gusto kong ako mismo ang tatapos sa problema niya. Pinatay ko lang ang katawan niya, pero ikaw... kayo? Pinatay niyo ang puso niya noon pa man."
"Sinungaling..."
"Believe me, Yssa. I am lying..."
"Naniniwala ako sa kasinungalingan mo..."
I walked through the corridor with grace and full of souls. Tipong halos lahat ay napapalingon sa kagandahan ko.
Ngingitian ko sana sila, pero narealized ko na hindi pala ako ang dahilan ng katahimikan.
It is Allison. Kasama ang buong barkada. Kabilang sa Special class ng sikat na Unibersidad ng Bulacan.
Sila ang dahilan kung bakit pinangarap kong makapunta rito. Sila ang dahilan pangunahing dahilan.
Gusto ko silang sirain at unti-unting pabagsakin. I want to add taste to my bitter life. Gusto kong sumubok ng bago.
I tried to be a mistress, a thief, a killer and now... a friendship and relationship wrecker. No sweat. Hindi na bago.
Lumapit ako sa kanila. Ngiting-ngiti at nakatitig lang sa ekspresyon ng kanilang mga mukha.
"Hi," bati ko.
Halatang nagulat sila sa pagsulpot ko, puno rin ng pagtataka ang kanilang mukha. Hindi mawari at mabasa, mukhang mahihirapan ako sa isang 'to.
"And, who are you?" pagsisimula ng nakangising si Jerhome. "Kilala mo ba kami?"
Agad siyang pinalo sa braso ni Allison. "Manahimik ka nga, you're so rude."
"Paanong hindi? This b***h is talking to the populars. Ni hindi ko nga siya kilala," mahaba nitong wika at tinapunan ako ng nagnanasang tingin. Napakagat labi ako.
"Then, hindi dapat natin siyang pinapakialaman. She's trying to be nice, then we need to be nice."
Nagkaroon ng kumosyon. Mukhang alam ko na ang dapat kong gawin, siya ang una kong dapat itapon palayo. Siya ang sandalan ng grupo, kaya dapat siyang ibasura. Dapat siyang mawala.
"Okay. Don't be mad, Allison. I know." Tinaasan pa siya nito ng kilay. "Okay, again. I am so sorry, miss newbie." Nginitian ko lang siya.
Tinapunan naman ako ng tingin ni Zellaine. "What's your name, anyway?"
"I am Yssabella Rielle Caspian, Yssa na lang." Pilit siyang ngumiti. Halatang hindi niya gusto ang presensiya ko sa harapan niya.
Sakto naman na dumating si Nicole. Bumakas ang gulat sa kan'yang mukha. "Nandirito ka lang pala, sis. Akala ko naligaw ka na."
"So, sino naman siya?" Matalim ang tingin sa akin ng babaeng katabi sa kanan si Zellaine... si Meghan.
"Ah, she's Nicole. My bestfriend," pakilala ko. Napatango silang lahat.
"Kumain na pa kayo?" si Allison ang nagsalita. Napansin ko nga na hindi pa sila kumakain.
Umiling ako bilang sagot. "Halika, kain muna tayo." Pinaupo niya kami sa kanilang mesa.
Parang lahat sila ay gustong umangal nang ipinilit kong tumabi sa pagitan nila Allison at Ethan. Pero sa huli ay umusog sila para bigyan ako ng espasyo sa gitna.
"Hi, Ethan. I am a fan. Madalas akong manood ng free concert niyo noon sa Naglecano." Bahagya siyang ngumiti.
"Woah, mukhang hindi na lang si Allison ang magiging prinsesa ng campus. May maganda ring dilag na sumali sa grupo natin." Sa pagkakaalam ko ay Kenn ang pangalan niya.
"At mukhang may babaeng bibihag sa puso ni Ethan." Nakita ko ang bahagyang paglunok ni Allison. Mukhang hindi siya natutuwa sa ikinikilos ko.
Tinawag ni Maxx ang waiter para um-order. "Katulad dati, labing apat na orders ng set D and--- ano nga pa lang order niyo, Yssa and Nicole?"
"Carbonara with soup at saka milktea for drinks," sagot ko.
"I like you, Yssa." Napatigil ako sa paglalakad. Humarap siya sa akin at ngumiti.
Nagtambol ang loob ko. Bakit ako? Paanong ako?
"You like me?" Tumango siya at nilapitan ako. Ni hindi ko napigilan ang damdamin ko. Hindi ko alam na mahuhulog ako nang ganito. Hindi ko alam na hindi lang basta pagpapabagsak ang kaya kong gawin.
Na kaya ko palang magmahal...
Unti-unti na akong nahuhulog. Unti-unti na akong nalalason ng kahibangan ko.
Pero mas panghahawakan ko ang plano ko. Mas may alas na ako laban sa mga estudyanteng nabibilang sa pinakamakakapangyarihang angkan sa bayan ng Bulacan.
Ito ang misyon ko.
"So, parehas tayo ng nararamdaman? Gusto mo rin ako?" Ipinantay niya ang ulo niya sa akin. Kumabog na naman ang dibdib ko sa kaba.
"I like you, simula nang dumating ka sa buhay ko... pagmamay-ari na kita," seryoso niyang saad. Naramdaman ko ang pagsakop ng kan'yang mapulang labi sa aking labi.
Magtatagumpay ako. Nagtagumpay ako.
Mula sa gilid ng aking mata at naaaninag ko ang pagdating ni Damiene. Puno ito ng pagkagulat at pagtataka.
Humiwalay siya sa akin at niyakap ako. "Mahirap lang ako, Ethan. Maraming mas maganda... si Allison, siya ang tunay na depinisyon ng maganda. Bakit hindi na lang siya?"
Hinaplos niya ang pisngi ko. "Ikaw lang ang gusto ko. P'wede bang 'wag mo na intindihin ang iba? P' wede bang tayo lang?"
Napangiti ako. "Then, I like you too." Muli niyang sinakop ang aking labi at niyakap ako.
"We're now in a relationship." Patago akong napangisi nang banggitin niya ang mga katagang 'yon.
Hindi nila matanggap na katulad ko lang ang gugustuhin ni Ethan. Hindi nila matanggap na natalo ko si Allison.
"What?! Seryoso ka ba? Bro, congrats! So, sa akin na si Allison? Okay lang ba na ligawan ko na si Allison?"
Natawa ito. "Ofcourse not, ako pa rin ang guy bestfriend niya."
"So selfish..." Tumahimik ang mga tao sa sinabi ni Kenn. Halatang naaasar na ito sa iniisip niyang kahibangan ni Ethan.
"Pinoprotektahan ko lang siya."
"Really? O baka naman talagang hindi mo lang kayang makita na nasa iba na ang puso ni Allison. Hindi siya sa'yo."
"Shut up. Bestfriend ka lang din naman."
Naunang sumugod si Kenn at sinuntok si Ethan. Tinulak niya rin ako pero agad akong nahawakan ni Nicole.
"Omyghad!"
Nagkagulo na sa loob ng cafeteria. Nag-umpisang mag-ingay ang mga tao. Umiiyak na si Allison dahil hindi niya maawat ang dalawa.
"Stop! Stop! Tigilan niyo na 'yan!" Gulong-g**o ang isip ko. Hindi ko na rin kayang makawala sa higpit ng hawak ni Nicole.
"Napaka-pa-fame talaga ng babaeng 'yan. Feeling niya pinag-aagawan siya ng boys. Not so pretty naman!"
Sinamaan ko siya ng tingin at tinapik. "Manahimik ka! Sikat siya, Nicole! Baka bigla tayong kuyugin!"
"Then, wala akong paki."
Dumating ang dean kaya natigil ang away. Lahat ng involve ay pinatawag ng council para bigyan ng parusa. Ako ang sinisi ng mga tao dahil sa kalandian ko. Mas lalo kong kinasuklaman si Allison. Kating-kati ang kamay ko na itapon siya papuntang impiyerno.
"Sinong pipiliin mo sa aming dalawa, Ethan? Kaya mo bang iwan ako para kay Allison?"
Maluha-luha siyang humarap sa akin. "Can I do this? Kahit ngayon lang, Yssa."
"No! Sige, iwan mo ako... wala ka nang babalikan pa!"
"Yssa, please." Tinalikuran ko siya. Agad kong naramdaman ang yakap niya. "Sige, dito lang ako. Makikibalita na lang ako." And yes, I won.
That night, he stayed with me until midnight. Yakap niya lang ako at marahang hinahaplos ang ulo ko. Pinasaya ko siya sa pagmamahal ko.
"Mahal kita, Ethan." Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo. Nakatulog ako sa bisig niya. Nakalubog ang ulo ko sa dibdib niya.
Nagising kami dahil sa sunod-sunod na pagtunog at pagdating ng mga mensahe sa telepono niya.
Alam kong sa pagkakataong iyon at natapos ko na ang plano ko. Nabuwag ko na ang grupong kinabibilangan ng pinakamatataas na angkan ng Bulacan.
"I'll answer it," saad niya at tinanggal ang kumot na saksi sa p********k namin kanina lang.
Nang sagutin niya ang tawag mula kay Zellaine ay agad na tumulo ang luha niya at napaupo sa sahig.
Nilapitan ko siya. "Ethan, bakit? Anong nangyari?"
"Yssa, bakit ang selfish ko? Bakit mas pinili kita?"
"P-pinagsisisihan mo na pinili mo ako?" Sumandal siya sa pader at humagulgol.
"I- I am so sorry, Yssa. Gusto kita pero... mahal ko siya. At ngayon, huli na ang lahat para sa aming dalawa."
"Ano bang sinasabi mo, Ethan?!"
"I-I cheated on you... and now, huli na ang lahat para pagsisihan ko ang bagay na iyon. Wala na... wala na siya... hindi ko na siya maibabalik. Sila... hindi ko na sila maibabalik." Napalunok ako at hinawakan siya sa braso.
"Allison is now in comma state... and our baby is gone," napapaos niyang bulong. Halos manghina na ako sa sobrang paninikip ng dibdib ko.
"Minahal kita, Ethan... bakit mo ginawa 'to?"
"I am sorry. I am really sorry." Imbis na lumayo ay sinugod ko siya ng yakap.
"Ako... hindi kita iiwan, Ethan. Akin ka na lang, sa akin lang." Sinakop ko ang labi niya at mahigpit siyang niyakap.
Ito na ang huling luhang papatak mula sa aking mata. Sa pagdating ng bukas ay tatapakan ko na ang pundasyon ng kanilang samahan.
Papalitan ko na si Allison sa mga puso nila. Magiging akin na ang dating naging kan'ya.
Muli akong babangon at hindi ko hahayaang makatayo pa si Allison. Sisirain at lulumpuhin ko na sila. Mananalo ako.
"Pakawalan mo na ako... maawa ka, Sakura." Punong-puno ng luha ang kan'yang pisngi. Hindi ko maiwasang hindi maawa sa kalagayan niya.
"Ayoko. Gusto ko pang makaganti. Gusto ko pa siyang ipaghiganti." Napapikit ako.
"Ikaw ang pumatay sa kan'ya. Wala kang dapat na ibang sisihin, Sakura."
"Ikaw? Bakit ka pa nga ba dumating sa buhay namin? Sinira mo kami." Humalakhak siya na parang nababaliw. Wala na siya... ibang-iba na siya.
"Ano ba talagang plano mo?! Ba't hindi ka pa mamatay?!"
"Sama-sama tayong mamamatay sa impiyernong ito! Thanks to Jennii, ginawa niyang madali ang lahat para sa akin."
"Tangina mo! Demonyo ka!" Sinampal niya ako. Wala akong magawa kun'di ang umiyak.
"Lahat kayo ay magiging parte ng larong gagawin ko. This resthouse will be their field and I will be the game master. At sisiguraduhin kong ngayong gabi matatapos ang lahat. Ngayon gabi dadanak ang dugo niyong lahat."
Hinablot niya ang buhok ko at binusalan ako gamit ang makapal na tela. "Wait for me, b***h. Sabay-sabay ko kayong dadalhin sa mundo ko."
Naramdaman ko na lang ang malakas na paghampas sa akin ng isang matigas na bagay bago ako mawalan ng malay at lamunin ng antok.
Tapos na. Wala na. Sa pagkakataong iyon ay napagtanto kong katapusan ko na.