bc

Chase Me Not

book_age16+
457
FOLLOW
1.5K
READ
others
fated
others
kickass heroine
comedy
bxg
humorous
lighthearted
others
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Natupad nga ang pangarap ni Jeanna na habul-habulin siya ni Rivas. Lawit na dila niya kakakaripas ng takbo habang tinutugis siya ng lalaki.

Mabuti na lang, open doors ang Kaharian ni Prinsipe ng Kadiliman - another man na tumutugis din sa kanya. May sabit siya kay Prinsipe, kaya nang tumapak siya sa carpet nito. No chances of winning - este hindi na siya nito pinakawalan.

No puwede! Paano kung sugo rin pala ito ng bangkay na binulungan niya?

Oh, no.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Alas otso pasado ng gabi. Habang binabaybay ni Jeanna ang eskinitis - hawak kamay si Rivas, the Coffee Addict. Ramdam niya na ito na ang pinakahihintay niyang oras. Mahilig kasing manggulat si Rivas, laging may pabaon na sopresa. Hindi kaya..? "Sigurado akong magugustuhan mo 'to," ani Rivas. All smiles, may papisil pisil pa sa kamay niya. At ang kamay ni Jeanna The Excited, namamawis. Ang nagmamagandang proposal ni Rivas. 'Yun bang, candle lit dinner for two, masarap na foods at may Violin hero from Music Squad on the side pa. Tapos may slow dance. May sparks. May sweet nothings May ring. Lakas maka-imagine. Mabuhay ang dugong ilusyunada! Teka? Ring? Ring ng telepono. Tigil ang halusinasyon niya. "Yes, Sir Deo," si Rivas uli sa phone, habang nakangiting tila nagwagi sa pa-raffle ni Mang Esting. "Kasama ko na po ang recruit ko." Ano daw? RECRUIT?! Sandali, kambiyo ang hasang niya. Luminga siya sa paligid. Tinandaan ang bawat madaanang halamang, aso, tambay, poste at kabahayan. Hindi siya maliligaw nasa Baranggay Cinco na sila. Kapit na kapit si Rivas sa kamay niya. Tila nagmamadali, medyo bumilis ang lakad nila. "Saan ba tayo papunta?" aniya, hila sa kamay pero higpit ng kapit ng tinamaan. "'Kala ko ba kasama natin sina Ishi at Tay Bors?" "Nandoon na sila, kanina pa tayo hinihintay," anito. Ramdam niyang 'di makapakali, 'di makatingin sa diretso sa kan'ya. Kulang na lang ay kaladkarin siya. "We are meeting some important people." "Ay, talaga ba?" Hila uli sa kamay niya. "Suprise na lang?" Maningning ang mga mata ni Rivas. Mukhang nakakita ng Pesoses Sign. Kinipit niya ang bag niya. Nalukot pati mukha niya. Masamang kutob. Amoy networking. Kinapa ang puso niya. Magandang kutob. Amoy matamis na "Will you be my wife?" Ikiniling niya ang ulo. 70:30 ang chances. Stick to the masamang kutob. Mas matimbang kasi. Nag-uumpisa nang kumulo ang toyo niya. "Dito na tayo." anunsyo nito. Ganoon na lang ang pagkanganga niya nang alalayan siya nitong pumasok sa isang abandonadong building. Hindi mamahaling restaurant. May mga kahon na nakatambak. Hindi mga tables and chairs. May apat na lalaki. Dalawang nagyoyosi, isang nagkakape, nakaupo sa ibabaw ng malaking box at Kalbong malapad ang ngiti sa kanila. At hindi mga customers and waiters. Pamilyar pa ang kalbong nakikita niya. Joke ba 'to? Si Speaker Kalbs. Basag. Gulat na gulat siya. Meaning, assumera siya. Kaiyak. Agad niyang iniwaksi ang kamay ni Rivas at napahinto sa dalawang nagyoyosi. "Ano 'to?" Taas ang kilay ni Jeanna. "Ano'ng gagawin natin dito?" Linga. "Nasaan sina Tatay Bors at Ishi?" "Relax, Jeanna." Ipinaghila pa siya nito ng upuan. Katapat ni Speaker Kalbs. Natatandaan na niya ang lalaki dahil naging Speaker ito ng Health chorva seminar, last week lang sa kompanyang pinapasukan niya. Nag-aalok ito ng kape. Kapeng may ginseng, sanitary napkins na friendly sa pempem at sabong nagpapanggap ng glutathione. Nalintikan na. Alam na niya ang susunod na mangyayari. Gayunpaman, nanatili siyang cool and still kahit nanggagalaiti na ang mga lamang loob niya. Sinamaan niya ng tingin si Rivas. At ngingiti-ngiti lang sa tabi ang ungas. Peso sign ang mga mata. "Good evening, Ma'am," nakangiti rin si Speaker Kalbs. Nangingintab pa ang ulo sa tama ng ilaw. "I'm Deo Hencia, OIC of Magic Itouch," nakalahad ang kamay nito sa kan'ya. Deo Hencia. Tunog delihensya, G na G lang. "Upo ka, Ma'am," alok pa nito. All smiles talaga. Nakikipagkamay. De maupo. Kinamayan niya. "Jeanna Carreon, receptionist," sinadya niyang isama ang kan'yang trabaho. Tama ang hinala niya, mas lumapad pa ang ngiti ni OIC Delihensya. Nagsisimula nang lumabas ang nagtatago niyang fangs. Mainit ang ulo niya sa mga nag-aalok ng kapeng may ginseng. Karugtong kasi niyan ang mga salitang. Power, pyramid scam at networking. Napatingin uli siya kay Rivas. Nagbabanta ang tingin. Kapal ng mukha mo, p're. Saloob loob niya. "Ma'am Jeanna, nasabi po sa akin ni Sir Rivas na interesado po kayo sa pag-" "Not interested," putol niya. "Ma'am, kung gus-" "Hindi rin." Sabay duro kay Rivas na natigalgal yata sa kan'ya. "Ano bang trip ninyo sa buhay, ha?" Naging alerto ang dalawang nagyoyosi. Si Rivas, hinawakan siya sa braso. "Bitiwan mo 'ko!" asik niya. "Alam mo ba kung ano'ng oras na?" "Eight thirty three po, Ma'am." sagot ni Boy Yosi 1. "Ang date? Ano'ng date na ngayon?" medyo litaw na ang litid niya sa gigil. "March 1 po, Ma'am," si Boy Yosi 2 naman ang nakisagot. "'Yun naman pala e!" Saka niya hinarap si Rivas. "Ilang oras na lang ay six months na tayo. Alam mo ba ibig sabihin nito?" Nakatanga ang mga miron sa kanila, habang si Rivas hindi malaman ang gagawin para kalmahin siya. "Ano?!" Bulyaw niya. Sarap sa pakiramdam ang nakasigaw. Parang nailabas ang ngitngit niya sa lalaki. "Tangina kang lalaki ka, dinaan mo pa 'ko sa mga galawan mong mala-Balagtas!" Atras si Rivas. Umabante naman siya. "Sa mga pa-effect mong lumang kanta!" Atras uli. Abante uli siya. "Tapos, eto!" Pinalo niya nang malakas ang table ni OIC, napapitlag ang Kalbo, sumakit ang kamay niya. Hindi na niya ininda kaysa sampalin si Rivas, sapat na ang table na tabla. "Ang kapal ng mukha mo! Aalukin mo talaga 'ko ng kapeng 'yan?" Nandidilat pa ang mga mata niya. "Gusto ko lang naman kasi kumita ng extra." mahinahon si Rivas, lalo siyang nanggigil. Nagpatuloy sa pagpapaliwanag ang ungas. "Since, nakita kong lagi kang napupuyat, hindi healthy 'yun Jeanna.." "Lahat naman hindi healthy sa'yo," at isa-isang dumagsa ang realisasyon sa kan'ya. Sa simula palang, bukambibig na nito ang Magic Itouch. Bakit hindi napansin agad 'yon? Hibang kasi siya. Akalain mo ang isang disenteng at good looking na guy ang bigla nalang susulpot at nasa miserable state ka pa ng life sentence mo, de very soft ka - na-take advantage. Nabaliw pa siya. Kinilig ng ilang linggo. Naging sila. Naman pala, may modus ang ungas. Ahente ng kape, kapeng may ginseng ang specialty ng tinamaan. "Baka naman gusto mong mag-invest para hindi masayang ang kinikita mo.." hirit pa ni Rivas. Walang'ya! Ang tigas ng mukha talaga. Ang kaninang excitement at bahagyang kilig at tila naupos na candle. "Ma'am.." singit ni OIC. "Seven thousand lang naman, then may libreng one thousand worth of goods, 'yung Coffee Mix namin, herbal glutathione soap at sanitary pads.." Hindi na siya nakatiis. Walang lingon likod na nagmartsa siya palabas ng abandonadong building, dinig ang boses ni Rivas na tinatawag siya. Ganito siya kapag bumulwak ang sobrang inis, may walk out scenario. Kilala niya ang sarili niya, alam niyang hindi maganda ang maidudulot ng inis niya kapag natamaan ang dapat tamaan. Nilagpasan niya ang isang lalaki. Unipormado ng Magic Itouch, 'yun isa sa mga lalaki kanina sa loob. Nagbababa ito ng mga kahon from the truck. Masyadong sumabog ang toyo niya sa ulo, nilapitan niya si Boy Kahon. Siyempre, saglit na nagulat si Boy Kahon. "Ma'am." "Ikaw 'yung lalaki do'n sa loob kanina, right?" tumango ang lalaki. "Sabi ni OIC, puwede ko na kunin dito 'yung one thousand worth coffee ko dito. Nasaan ba?" sabay usisa sa mga box. 'Di nag-atubili si Boy Kahon. Ibinaba ang isang may kaliitan na box, nilabas ang isang paper bag - mga naglalaman ng kape. Napangiti siya. Hindi puwedeng sa ganito lang aabot ang asar niya. Makaganti ang gusto niya. "May sabon ba? Kasi oorder mga friends ko." Kinuha pa niya ang isa pang paper bag. "Akina 'to ha? Charge mo nalang dun kay Sir Rivas ninyo, boyfriend ko naman 'yon." Ex na pala five minutes ago. "Thank you Kuya ha? Power!" Goodbye lovelife. Goodbye. Nadekwatan pa niya ng kapeng may ginseng at sabon na nakakatanggal galis at pampaputi ng singit. Busit. Sabay sibat. Hindi na niya binigyan ng chance makahirit ang lalaki. Lakad nang mabilis at pumara ng tricycle. "Manong, Chico Road tayo," aniya sa driver pagkasakay niya. "Go na, Manong." Dead na ang pagmamahal. Malas siya sa pag-ibig. Kape lang pala ang halaga niya. "Tang na juice, nauto niya 'ko." Sabay silip niya sa mga paper bags. Pamumudnod niya na lang sa mga friends niyang adik sa kape at mahilig sa Korean oppa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SECRET AGENTS AND COLD HEART

read
181.1K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
113.7K
bc

The Ex-wife

read
232.0K
bc

Taz Ezra Westaria

read
110.9K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
183.4K
bc

My Secret Agent's Mate

read
122.4K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
253.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook