"Sungit.." Halos panawan ng ulirat si Jeanna nang makitang nasa harap niya si Prince. Hawak ang kamay niya. "Sino ka?" Agad na tanong ni Rivas. "She's with me." Inulit lang ni Sungit ang sinabi niya sa mas nakakatakot na tono ng boses. Malamig, mabigat. Kinabig ni Jeanna ang braso ni Prince, akmang hihilahin niya palayo kay Rivas. Nakakakuha na naman kasi sila ng attention mula sa mga tao. "Look, nasabi ko na ang lahat ng gusto ko, Rivas." Lakas loob na sabi ni Jeanna. "At sana huwag mo na 'kong guguluhin. Did I make myself clear?" Walang umimik sa dalawang lalaki. Marahas na napabuga sa hangin si Rivas. Si Prince naman mas sumama ang timpla ng mukha. "Let's go, Sungit." Siya na ang humila kay Prince palabas ng coffee shop dahil ramdam niyang wala itong balak na umalis d

