Pasado alas nueve ng gabi nang magising siya, wala sa tabi niya si Sungit. And to her surprise, nakadamit na siya. Mukhang binihisan siya ni Kamahalan habang tulog. At bagong damit. Doon na siya tuluyang napangiti. Matapos ang mainit na eksena sa pagitan nila ni Prince, bahala na kung paano niya haharapin sina Senyora at Ric. Bumaba ng kama at nagpasyang bumaba sa kusina para kumain. "Ayon, sa wakas!" Bungad agad sa kan'ya ni Kim pagkakita nito sa kan'ya, nasa komedor sila habang nagkakape. "Gising na ang pinaka iingatang si Sleeping Beauty." Ipinaghila siya ng upuan ni Prince, may nakahanda na ring plato sa mesa. Pumasok rin si Ric, bitbit ang isang kaserola. Ulam siguro. Si Kim naman ay nagsandok ng kanin sa rice cooker. OlPagpasensyahan mo na muna ang ulam, J." Si Ric, binuk

