After magliwaliw sa kapehan ni Chase, hindi na umabot ng dinner ay bumalik na sila sa "hide out" ni Prince. Beach house ni Ferol. "Bakit dinala n'yo pa 'ko dito?" kulit ni Jeanna kay Enrico, na panay ang silip sa bintana. Ang usapan kasi nila sa apartment na niya siya uuwi. Tutal mauubos na Ang one week vacation niya at dapat humanap na siya ng trabaho. "Para kayong sira 'no? Nagtataguan ba kayo ni Kim?" Nangangati na rin siyang makisilip pero mahigpit ang bilin ng may-ari ng beach house na huwag siyang gagawa ng hindi nito ikakatuwa. Parang hostage siya, hindi nga lang katulad ng mga nahohostage na hirap. Sitting pretty nga siya e, may poging bodyguard pa. "Ric," tawag niya dito. "Nasaan si Prince?" Hindi naman siguro kalabisan na magtanong siya. Tutal naman, nagkabikig ang lalam

