HINDI malaman ni Prince kung made-depress siya o matatawa 'pag pasok niya sa dining area, nakahilera ang mga aliping sagigilid ni Senyora Kim sa hapag nag-aabang ng maiinit init na balita. Balitang mas maaga pa sa tilaok ng manok ang ibinungad niya kay Senyora at kay Enrico na, ginapang este pinasok siya ng isang 'di kilalang babae. Na naman, less the missing boxers. Naunahan ng kaba ang dalawa - pero matindi lang talaga ang saltik ni Kim at nagawa pa nitong pahiramin ng maisusuot. Di yata't may binabalak ang Senyora. Pahapyaw pa lang naman ang naikukuwento niya. May prediction agad. E, wala ba siyang balak? Ikiniling niya ang ulo. Pero.. "Kahit pala My Foreignoy at kahit pala purong Pinoy pareho lang ang lalaki," talak kaagad ni Kim, naupo sa kabisera niya. "Pare-pareho lang kayo

