Buong mag hapon akong nakangiti. Last subject nalang at uwian na, pero yung energy ko parang hindi na bawasan.
"Anong nakain mo kaninang lunch at hanggang ngayon ay nagagawa mo pa rin ngumiti?" Nakakunot noo na tanong ni Eretel sakin.
Baka pag sinabi nyang minukbang ko ang labi ng crush nilang si Sir Byron ay ma windang ito. Pero shempre secret lang yun! Nginitian ko nalang ito kaya napailing ito sakin.
"Okey class, we have an announcement!" Saad ng kapapasok lang na teacher na si Mrs.Tuazon.
"Mag kakaroon tayo ng Summer Sports Festival next week, Thursday and Friday yun. Gusto kong lahat kayo ay sasali sa mga gawain." Saad ni mam kaya biglang nag karoon ng bulong bulungan sa loob ng classroom.
Bigla naman akong na excite, dahil sa totoo lang ay active ako sa mga ganyang program nung high school ako. Pero ang tanong, kakayanin ko pa kaya ngayon? Sa edad kong ito, tiyak na hindi na ganun ka liksi ang katawan ko. Kulang na din ako sa exercise kaya siguradong mabilis akong hihingalin nito.
"Last year ay tayo ang nanalo sa volleyball girl." Saad ni Eretel sakin. Na kwento sakin ni Aira na sya ang captain ball nila noon. Hindi ko sports ang volleyball, mas expert ako sa badminton.
"Mag kakaroon din ng Mr and Miss Summer Sport Festival." Dagdag ni Mam at napalunok ako ng biglang mag tama ang paningin naming dalawa.
"Ikaw ang napupusuan namin Miss Evangelista na ilaban sa section nyo." Nakangiting wika nito na ikinagulat ko. Kung noon ay kaya ko pang lumahok sa ganyang patimpalak, ewan ko nalang ngayon. Parang hindi ko na ata kayang rumampa sa harap ng maraming tao.
After pag usapan ang tungkol sa gaganaping festival ay nag laho na ang ngiti sa labi ko. Isa lang dapat ang pinoproblema ko ngayon, pero biglang na dagdagan.
"Okey class, see you tomorrow." Saad ni Mam Tuazon. Dali-dali ko namang niligpit ang mga gamit ko. Siguradong maya-maya ay nandyan na ang grupo ni Florence.
"Madaling madali ka ata?" Tanong ni Eretel sakin.
"Aalis na ko bago pa dumating ang Florence na yun." Inis na saad ko dito. Pag kakuha ko ng mga gamit ko ay kumaripas na ako ng takbo paalis.
Pag dating ko sa baba ng building namin, agad akong tumago sa gilid ng gusali dahil malayo palang ay tanaw ko ng papunta sa direksyon ko ang grupo ni Florence. Pigil na pigil ko naman yung pag hinga ko hanggang sa biglang may humila sa braso ko mula sa likuran. Muntik na akong mapasigaw mabuti nalang at tinabunan nito ang bibig ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Pag aalalang tanong ni Byron sakin. Nakahinga ako ng maluwag ng alisin nito ang kamay nya sa bibig ko. Sasagot pa sana ako ng bigla nitong hilahin ang kamay ko. Hindi ko alam kung san nya ko dadalhin. Dito kami sa likod ng school dumaan hanggang sa makarating kami ng clinic nya na walang nakakapansin.
"So tell me, anong ginagawa mo dun?" Tanong nito habang nag aayos ng mga gamit nya.
"Tinataguan ko si Florence at mga barkada nya. Hindi ko alam kong paano ko haharapin ang lalaking yun lalo na at nalaman kong sinaktan nya ang kapatid ko." Nakayukong saad ko dito.
"Mahihirapan ka kung patuloy mo syang iiwasan. Ano na bang plano mo?" Tanong nito at naupo ito sa tabi ko.
"Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ako mag sisimula." Sagot ko dito.
"Bakit di mo muna alamin kung sino ba talaga sya. Kung saan ito palaging pumupunta at kung sino palagi ang kasama nito. Alamin mo din ang mga gusto at ayaw nya. Para kung may idea kana kung paano sya gagantihan ay hindi kana mahihirapan sa mga plano mo." Nakangiting saad nito kaya napatingin ako sa kanya. Nag karoon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako kaya sumandal ako sa balikat nito.
"Masaya akong nag kita ulit tayo Amira. Alam kong si Aira ang magiging tulay sa muli nating pag kikita. Pero hindi ko inaasang sa ganitong sitwasyon pa." Saad nito habang ganun pa din yung posisyon namin. Nakatingin lang ako sa kawalan habang nakikinig sa mga sinasabi nito.
"Alam mo naman na high school palang ay gustong gusto na kita. Pero alam kong wala akong pag-asa sayo dahil alam ko namang walang saysay yung buhay ko noon. Kaya I decided na baguhin ang sarili ko after nating grumaduate." Kwento nito kaya napangiti nalang ako. Pinag dikit nito ang isang kamay namin kaya mag ka holding hands na kami.
"Nung umalis ka sa bayan natin, feeling ko wala na talagang pag asa na maging tayo. Hanggang sa nag sumikap ako na makapag tapos ng nursing. Sakto naman at nag open ang Almodians Senior High at nag hahanap sila ng Nurse teacher. So I tried na mag apply at hindi naman ako na bigo. Last year, 1st day of school tuwang-tuwa ako ng makita si Aira. Hindi pa sya naka uniform nun kaya talagang napag kamalan kong ikaw sya. Sumunod na araw ay naka uniform na ito, dun na ako nag taka. Hanggang sa nalaman kong ka apilyedo mo sya. Napangiti nalang ako ng mga oras na yun dahil naalala kong may nag iisang kapatid na babae ka nga pala." Patuloy na kwento nito.
"Grabe ka, talagang marami kang nalalaman tungkol sakin. Kinikilabutan tuloy ako sayo." Pabirong sagot ko dito.
"Mga basic information lang yun nuh. Normal na yun sa taong nag mamahal." Sagot nito at sabay pa kaming tumawa.
Ngayon ko lang naranasan yung ganito. Yung makipag usap sa isang lalaki habang nag kukwento sakin about sa feelings nya for me. Masaya ako dahil si Byron yun. Yung lalaking iniiwasan ko lang noon, masarap din palang kasama.
Hindi namin namalayan na madilim na pala sa labas kaya napag pasyahan na naming lumabas. Tulad kahapon ay hinatid ulit ako nito sa bahay. Pero this time ay pinapasok ko na ito sa bahay ni Lola.
"Dito kana mag dinner." Saad ko dito at dumiretso na muna ako ng kwarto para mag bihis. Pag labas ko ay naabutan ko itong nag lilibot sa loob ng bahay ni Lola. Tinitingnan nito ang mga pictures na naka display.
"Nalaman ko noon kay Heaven na classmate mo, na Lola nyo nalang ang nag aalaga sa inyo. What happened to your mom and dad?" Tanong nito at lumapit na ito sakin. Naupo ito sa silya habang ako ay nag aasikaso na ng lulutuin.
"Pinag bubuntis palang ni mama si Aira ng iwan kami ni papa. Okey naman ang buhay namin noon dahil may maayos na trabaho si mama at papa. Pero nung iwan kami ni papa naging mahirap na para kay mama ang lahat. Na stress si mama at hindi yun naging maganda sa pag bubuntis nya. Kaya nang ipinanganak nito si Aira ay hindi kinaya ng katawan nya." Kwento ko dito habang nag hihiwa ng mga samya.
"Siguro sobrang hirap para sayo nung mga nangyare." Saad nito habang nakatingin ng seryoso sakin.
"Wag mo kong kaawaan." Sagot ko dito kaya napailing ito.
"Hindi sa kinakaawaan kita, mas lalo pa kitang hinangaan dahil sa alam kong marami kang pinag daanan sa murang edad mo. Yung obligasyon ng papa at mama mo, ikaw na yung sumalo. Kaya ba umalis ka sa bayan natin at pumunta ng Manila para mag trabaho?" Muling tanong nito. Tumango ako bilang sagot, parang hindi ko na kasi ito kayang tingnan dahil awang-awa ako sa sarili ko. Naramdaman ko ang pag tayo nito at lumapit ito sakin. Inangat nito ang muka ko gamit ang dalawang kamay nya.
"Sa tingin ko, ikaw talaga ang nababagay na maging asawa at maging Ina ng mga anak ko." Nakangiting wika nito kasabay ang pag tulo ng luha ko. Agad nya itong pinunasan kasunod nito ang pag lapat ng labi nya sa labi ko.
Sa panahon ngayon kung saan may pinag dadaanan ang pamilya ko. Hindi ko inaakala na mag kakaroon ako ng taong masasandalan. Parang sa isang iglap ay kaya nitong pagaanin ang lahat ng mabibigat na nararamdaman ko.
Habang nag papalitan kami ng matatamis na halik ay biglang bumukas ang pinto. Huli na ng mag hiwalay ang labi namin ni Byron dahil huling huli na kami sa akto.
"Papa!?" Gulat na tawag ko dito at bahagya kong na itulak si Byron. Yung muka ni papa at tila gulat na gulat din. Palipat lipat ang tingin nito sakin at kay Byron.
"Magandang gabi po Sir." Bati ni Byron dito. Napayuko nalang ako at napakamot ng ulo.
"Sorry sa abala, hindi ko kasi alam na may boyfriend na pala ang panganay ko." Nakangiting sagot ni papa at lumapit ito kay Byron at agad naman na nag pakilala si Byron dito.
"By the way Sir, I'm Byron Williams." Saad ni Byron dito at agad na nakipag kamay kay papa. Tumango-tango naman si dad habang tinitingnan si Byron mula ulo hanggang paa.
"Pwede ba kitang makausap sandali sa labas Mr.Williams?" Seryosong saad ni papa dito. Tumingin muna si Byron sakin na para bang humihinge ng permiso ko.
"Hindi ko naman kakainin ang boyfriend mo Amira. Gusto ko lang syang makausap ng lalaki sa lalaki." Nakangiting saad ni papa sakin.
"Kumain na po ba kayo?" Tanong ko dito.
"Hindi pa anak, nandito nga ako para sana yayain kang kumain." Saad nito sabay tingin sa dala nyang paper bag. Mukang hindi ko na kailangan pang mag luto.
"Sa labas na muna kami ng papa mo." Saad ni Byron sakin kaya tumango nalang ako.
Pag labas nilang dalawa ay hindi ako mapakali sa kusina. Tapos na akong mag hain ng dinner namin pero hindi pa din sila tapos sa pag uusap. Kinakabahan ako, ano kaya ang pinag uusapan nila ngayon?
Maya maya pa ay pumasok na sila sa bahay. Narinig ko ang tawanan nilang dalawa. So ibig sabihin okey lang sila? Nakuha na nila ang loob ng isat-isa? Mga lalaki nga naman!
Nag mag tama ang paningin namin ni Byron sa isat-isa ay kinindatan ako nito. I'm sure na okey ang naging pag uusap nilang dalawa. Mabuti naman dahil ayukong madagdagan ang aking problema.