Chapter 7: Late Night Visitor

1561 Words
Amira's Pov After ng dinner namin at nag paalam na si Byron kay papa. Pag dating namin sa labas ay bigla nitong hinawakan ang dalawang kamay ko. "Sabi ng papa mo kanina, ako na daw ang bahala sayo. Alagaan daw kita ng mabuti." Seryosong saad nito kaya napakunot ang noo ko. "Hindi naman kita boyfriend para gawin yun. Napag kamalan ka lang ni papa na boyfriend ko." Seryosong saad ko. "Alam nyang hindi mo ko boyfriend. Sinabi ko sa papa mo ang totoo." Saad nito kaya mas lalong sumeryoso yung tinginan naming dalawa. "Kahit hindi naman ako kausapin ng papa mo about sa bagay na yun ay gagawin ko pa rin yun sayo." Nakangiting saad nito sabay pisil sa kamay ko. "Baliw kana nga talaga. Napaka daming babaeng professional dyan na naba-bagay sayo. Tapos ako ang na pili mo, napaka malas mo naman." Nakangiting sagot ko dito. "Ikaw kasi yung pangarap na matagal ko ng inaasam." Seryosong saad nito kaya na wala yung ngiti sa labi ko. Alam kong mashadong prangka si Byron pag dating sa pag sabi ng nararamdaman nya tungkol sakin. Pero parang ang bilis naman ata. "Alam mo Byron, marami ka pang hindi alam tungkol sakin. Gusto ko munang kilalanin pa natin ang isa't isa. One more thing, alam mo naman ang sitwasyon ko diba, namin ni Aira. Gusto ko munang tapusin itong na simulan ko." Seryosong saad ko dito. "Hindi pa nga ako nag sisimulang manligaw, mukang busted na agad ako." Pabirong saad nito. "You know what I'm talking about, right?" Saad ko dito habang nakatingin sa mga mata nya. "Yeah, pero hindi ko alam kung paano ko mapipigilan yung nararamdaman ko sayo. Hayaan mo nalang akong mahalin ka habang ginagawa mo ang mga plano mo. Huwag kang mag alala, pangako ko saying hindi ako magiging sagabal sa mga plano mo." Saad nito at muling hinalikan ang kamay ko. Hindi ko na alam ang sasabihin pa kay Byron. Alam kong hindi ko sya mapipigilan sa gusto nya. Pero kung mag papatuloy kami sa ganito, tiyak na madadamay sya sa pag hihiganti ko. "Sige na, lumalalim na ang gabi." Saad ko dito at bago ito sumakay ng kotse nya ay hinalikan nito ang labi ko. Mabilis lang ito dahil bumitaw din sya agad. "See you tomorrow." Saad nito at hinalikan ang noo ko bago sya pumasok ng kotse nya. Hinintay ko munang tuluyang makaalis to bago pumasok ng bahay. "Kilala ko ang pamilya ni Byron." Napalingon ako kay papa. Hindi ko alam kung kalalabas nya lang or kanina pa syang nandyan sa likuran ko. Hindi porke okey kami sa harap ni Byron kanina ay nakalimutan ko na ang lahat ng atraso nya samin. "Pwede na po kayong umalis." Saad ko dito at pumasok na ako sa loob ng bahay. Ramdam ko ang pag sunod nito sakin. "Narinig ko lahat ang pinag usapan nyo. Gusto kong malaman ang totoong dahilan kung bakit nangyare to kay Aira. Alam kong may nalalaman ka Amira." Seryosong saad ni Papa kaya hinarap ko ito. "Hindi to mangyayare kay Aira kung hindi mo kami iniwan noon!" Madiin na saad ko dito. "Amira naman, pinag sisihan ko na noon pa ang bagay na yan. Kaya nga ako bumalik ngayon para bumawi sa inyong dalawa. Alam kong huli na ang lahat, pero handa akong mag hintay na patawarin nyo ako." Naiiyak na saad nito. Naupo ako sa silya sa tapat ng hapag kainan. Nayuko ako habang nakahawak sa sintido ko. "Nag ka boyfriend si Aira, si Florence Karl Alonzo. May nangyare between them, hindi alam ni Aira na bawat s*x nila at vinivedeohan ng boyfriend nya. Nalaman ko sa kaibigan nya na habang mag karelasyon sila ay pinag bubuhatan ito ng kamay ni Florence. Minsan ng nakita ni Byron ang pasa nito dahil si Byron ang nurse teacher nila sa school. Hanggang sa nakipag break na si Aira dito. Hindi pumayag si Byron at ginamit nya ang mga s*x video nila para ipang block mail kay Aira. Dahil sa takot ni Aira na ilabas ito ni Florence sa social media ay hindi na ito pumasok sa school. Dalawang linggo nitong tiniis ang pang ba block mail sa kanya ni Florence hanggang sa nag nag laslás nalang ito." Paliwanag ko dito. Napansin ko ang pang hihina ni papa kaya naupo ito sa silya. Pinunasan ko naman ang kuhang tumulo sa mata ko. Ilang sandali pa ay napasuntok si papa sa table. Nanginginig ang kamay nito dahil sa galit. Alam ko ang nararamdaman nya dahil ganyan din ang naramdaman ko ng malaman ang mga pinag daanan ni Aira sa kamay ni Florence. "Pag babayaran ng Florence na yan ang ginawa nya sa kapatid mo." Saad ni Papa. "Nabanggit sakin ni Byron na hindi daw basta-basta ang pamilyang Alonzo. Sa tingin mo ba may laban tayo?" Seryosong tanong ko dito. Lumapit si papa sakin at may inabot itong card. Para syang business card na may nakalagay na address and phone number. "Isama mo si Byron bukas sa address na yan, hihintayin ko kayo." Saad ni papa at hinalikan ako nito sa ulo bago umalis. Hindi na ako umimik dahil lahat ng atensyon ko ay nasa card na binigay nya. Sana this time ay makabawi ka samin papa. ** Pahiga na ako ng kama ng marinig kong may kumakatok sa pintuan. Sino naman kaya ito? Kung kelan matutog na yung tao dun mang iistorbo. Bago ko buksan yung pinto ay sinilip ko muna sa bintana kung sino to. Napakunot ang noo ko ng makilala si Florence to. Ano namang ginagawa nya dito ng ganitong oras? Dapat ko ba syang papasukin or hayaan nalang ito? "Babe, it's me." Saad nito at muling kumatok sa pintuan. Nanatili ako sa pwesto ko habang pinapakiramdaman ang sunod nitong gagawin. Dahil bigla itong natahimik, muli ay sumilip ako sa bintana. Nakasandal ito sa pinto habang nakaupo. Ilang sandali pa ay narinig ko ang pag iyak nito. Hindi ko alam pero kusa nalang nag lakad yung paa ko papuntang pintuan sabay bukas ng door knob. Dali-dali naman itong tumayo at agad na pinunasan ang luha nya bago humarap sakin. "B-babe!" Nauutal pa na tawag nito sakin. "Anong ginagawa mo dito?" Nakasimangot na tanong ko dito. "Sorry sa abala, ano kasi, tuluyan ng nag hiwalay si mom and dad." Saad nito at bakas sa boses nito ang kalungkutan. "Pumasok ka muna." Saad ko dito habang yakap ang sarili. "Maupo ka muna, kukuha lang ako ng maiinom mo." Saad ko dito at dumiretso na ko ng kusina. Pag balik ko naabutan ko tong nag pupunas ng luha. May karapatan bang umiyak ang tulad nya? Sa mga kagaya nyang mapanakit, dapat hindi sya umiiyak ng ganyan. Lalo lang akong nadidismaya sa kanya. "Uminom ka muna." Saad ko dito. "Sorry babe kung ikaw ang naisip kong puntahan, busy kasi ang barkada." Saad nito sabay inom ng tubig. "Kumain kana ba?" Tanong ko dito. Ito na siguro ang time para isipin nyang okey na sila ni Aira. Kukunin ko muna ang loob nya, after that unti-unti ko ng sisirain ang buhay nya. "Hindi pa babe, medyo nagugutom na nga ako." Saad nito at ngumiti ng bahagya. "Iinitin ko lang yung ulam, kumain kana muna." Saad ko at tumalikod na ko para pumunta ng kusina. Habang iniinit ko yung ulam, ay bigla nalang itong yumakap sakin mula sa likod. Napalunok ako dahil sa ginawa nito. Gusto ko na syang itulak, pero hindi pwede dahil tiyak akong mag tataka ito. Baka isipin nya na hindi ko pa rin sya pinapatawad. "Thank you dahil tinanggap mo ulit ako. Alam kong marami akong pag kakamali na ginawa sayo, pero nandyan ka pa rin para tanggapin ako." Saad nito, at mas lalo nitong hinigpitan ang pag kakayakap sakin." Pinatay ko na yung gas at humarap dito. Nilagay ko yung dalawang kamay ko sa batok nya at tinitigan ito sa mga mata nya. "Alam mo naman na mahal na mahal kita diba?" Nakangiting saad ko dito. Bigla itong napangiti. Nagulat ako ng bigla ako nitong buhatin pa upo sa pasimano ng lababo. "Sorry babe, promise mag babago na ako. Hinding- hindi na ulit kita sasaktan." Saad nito kasunod ang pag angkin sa labi ko. Agad ko naman itong pinigilan. "Kumain kana muna habang mainit pa yung ulam." Saad ko dito at bumaba na ako. After nitong kumain, tumambay na kami sa sala. Gustong-gusto ko na itong ipag tabuyan dahil sa totoo lang ay inaantok na ako. "Okey lang ba kay Lola na pinapasok mo ko ng ganitong oras?" Tanong nito sabay tingin sa pinto ng kwarto ni Lola. "Ano kasi, wala si Lola ngayon. Bukas pa ang balik nya." Sagot ko dito. "Kaya pala pinapasok mo ko. Pero kung nandito ba si Lola, tatangapin mo pa rin ako?" Tanong nito sabay tingin sakin mula ulo hanggang paa. Napayakap ako sa sarili ko. Mashado kasing manipis ang damit na pang tulog ko. Ngayon ko lang naalala na wala nga pala akong suot na bra. "Mukang okey kana, ihahatid na kita sa labas." Saad ko dito at hinila ko na ito pa tayo sa sofa, pero ako yung na hila nya pa bagsak sa katawan nya. Agad nitong hinapit ang bewang ko palapit sa kanya kaya hindi ko magawang umalis sa ibabaw nya. Sh*t, anong gagawin ko? Mashado syang malakas kumpara sakin. Naalala ko yung sinabi ni Byron sakin, talagang hindi pa ako handa lalo na sa ganitong sitwasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD