Amira's Pov Abala ang lahat dahil sa gaganaping Halloween Party sa Friday. Sobrang bilis ng araw, dalawang buwan nalang at mag pa pasko na. Papunta kami ngayon ng cafeteria ng makasalubong namin si Elondra. Anong ginagawa nya dito? Agad itong kumaway kay Darrell. Sino pa nga ba ang ibang sadya nito dito kundi si Darrell lang naman. "Hi" Nakangiting bati nito sakin. Nginitian ko lang ito at dumiretso na kami nila Eretel sa cafeteria. "Sino yun ate, girlfriend ba yun ni Sir Darrell?" Tanong ni Maliya sakin. "Hindi ko alam, wala namang na babanggit si Darrel sakin about kay Elondra." Sagot ko dito. "Maganda yung Elondra ah. Sa tingin ko may something sa kanila ni Sir Darrell." Saad naman ni Eretel. Bago kami pumasok ng cafeteria ay tingnan ko muna sila Darrell pero wala na ang m

