After 1 week Amira's Pov "Talagang napaka husay ni Sean Alonzo para malusutan yung ginawa nya sa Bataan." Inis na saad ko kay dad. "Alam mo naman na kaya nyang paikutin ang batas dahil sa mga connections nya." Sagot ni dad. Nag katinginan naman kami ni Darrell. Unti-unti na akong nasasanay sa set up naming dalawa. Hindi ko din naman mapigilan ang sarili ko lalo na at sobrang sweet nito sakin. "I heard na may bubuksan itong bahay kalinga para sa mga kabataan. Marami na ang nag bigay ng donation dito." Saad ni Dad habang nakatingin sa isang magazine. Lumapit ako dito para tingnan ito. Totoo nga ang sinasabi ni dad dahil naka magazine na ito. Kasama ni Sean sa larawan ang mayor ng bayan namin. Nasa isang bakanteng lupain sila kung saan itatayo ang gusali para sa proyekto nito. "Ano

