Pag katapos ng unang klase at pangalawang klase ay break time na agad naman akong tumayo dahil kanina kopa nakikita ang kapatid kong pinagkakagulohan na sa labas ng classroom namin. "Excuse po, Kuya Ethan" Nakangiti akong lumapit sa kaniya tsaka kumapit sa kamay na inaabot niya sa akin.
"Nagpagrab ako ng pagkain mo, diba gusto mo ng fries" Agad ko siyang hinala papuntang parking dahil nandun ang sasakyan niya at ang pagkain ko. "Pero kuya diba sabi ni Mommy bawal daw ako kumain ng ganiyan" Nalungkot kong sambit sa kaniya, dahil kasi sa madalas na pagkain ko ng fast food ay nag ka ulcer ako na nagpahirap sakin ng isang linggo.
"Tinanong ko naman ang doctor mo kung pwede ka nito" Sabay turo sa pagkaing nasa back seat ng sasakyan niya. Nagningning naman ang mga mata ko ng Makita ang favorite kong chicken nuggets. "Thank you kuya Ethan, The Best Brother ka talaga" Natatawa siyang ginulo ang buhok ko. Nagsimula na akong kumain habang nakikipag kwentohan sa kaniya. Nakaupo kami sa likod ng sasakyan niya. Open kasi ito na pwedeng maupuan kapag kailangan.
"Kamusta sa classroom mo, Maayos ba ang mga kaklase mo?" Tumango tango lang ako dahil puno ng fries ang bibig ko. Natatawa siyang binigay ang bote ng tubig, uminom naman ako at nagpasalamat. "Alam mo kuya, May new friends na ako sa room. Ang babait nila mas mabait sila kesa Kay Althea" Natatawa akong tumingin sa kaniya at tulad ko ay tumatawa din siya. "Sige na, Taposin mona yan malapit na matapos ang break time" Inubos ko lang ang pagkain ko tsaka tumayo para maayos ang suot ko.
"Salamat sa food Kuya Ethan" Sambit ko nakatalikod kasi siya sakin at tango lang ang sagot inaayos kasi niya ang mga kalat na ginawa ko sa sasakyan niya meron naman siyang lalagyan ng basura kaya hindi problema kung saan namin itatapon ang pinagkainan namin.
"Tara na" Inaya na niya ako pabalik ng classroom ganito si Kuya Ethan simula ng unang tapak ko dito. Hatid sundo sa classroom tuwing may free time tulad ng break time at lunch. Nakakasama rin niya dati ang mga kaibigan ko na naging kapatid na ang turingan namin. Ngayon ay malungkot na medyo dahil watak watak na kami..
"Salamat ulit Kuya Ethan" Kumaway lang ako sa kaniya at tsaka na umalis..Lagi niya ginagawa ang pagdadala ng pagkain ko lalo na kapag hindi sapat ang nakain ko sa umaga.
"Kuya mo pala yun, Akala namin boyfriend mo. Kasi kanina ay hinahanap kan'ya samin" Nagulat ako ng biglang lumapit ang babaeng kanina kong kausap. Siya ang sinabi ko kay kuya na new friend ko. "Ah Oo kapatid ko siya" Wala na siyang sinabi at nginitian lang ako...Bumalik na ako sa upuan ko dahil dumating na ang pangatlong professor namin.
Tatlo lang ang subject namin ngayong araw dahil bakasyon pa ang ibang professor. Meron kaming limang subject sa isang araw kaya naman malaki pa ang bakanteng oras ko.
Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Kuya Ethan gusto ko na lang kasi umuwi dahil ayuko ng tumambay dito wala rin naman akong kasama dahil wala pa si Althea. Agad rin naman sinagot ni kuya ang tawag ko break time na kasi ng college kaya wala siyang ginagawa.
Kanina ng sinamahan niya ako kumain ng break time ko ay nag papaalam lang siya. Ayaw niya kasi na sa cafeteria ako kakain lalo na kung mag isa lang.
"Kuya Ethan, Pwede mo ba ako ihatid. Wala na kasi akong klase eh" Maingay ang naririnig ko sa kabilang linya. Mga nagsisigawan at may natugtog pa ng gitara. "Hindi kita marinig Elly, Wait" Narinig ko siyang sumigaw na kinatahimik ng paligid sa kabilang linya.
"Ayan okay na, Ano nga ulit Baby sister?" Natatawa ako dahil natatakot parin talaga ang mga kaklase niya sa kaniya. "I said, Can you please drive me home" Mahina kong banggit. "Antayin mo ako sa parking ihahatid kita" Sabay ng pagpatay sa call.
Sinimulan kona lakarin ang napaka laking field meron namang daanan kung san may humaharang para Hindi mainit. Maraming naglalaro ng soccer kahit na sobrang init ng panahon, halata na sakanila ang pawis dahil nangingintab na sila sa sinag ng araw.
Pag karating ko sa parking ay nakita ko na agad ang sasakyan ni kuya nasa bungad na kasi ito na kanina ay nasa gitnang parte ng parking ng campus. Habang nag aantay ay nag titingin ako sa mga kotseng nasa paligid ko mga nag gagandahang sasakyan. At nakita ko pa ang isa sa mga sasakyang pangarap ko. Lamborghini ang isa sa mga gusto kong sasakyan alam rin ni Kuya Ethan na ganung sasakyan ang gusto ko.
Kaya ko naman bumili ng sariling sasakyan ko pero sila mommy ay hindi pa pumapayag wala pa raw ako sa legal age. At hindi pa pwede mag drive dahil walang driver license.
Nilapitan ko ang sasakyang nakakuha ng pansin ko. Napaka ganda ng kulay at halatang sobrang mahal.
Bigla ako nakarinig ng busina na kinagilid ko dahil nasa harap kona ang Lamborghini na kaninang tinitignan ko. Nasa gitna na ito paalis sa parking pero bago ito umalis ay nag baba pa ito ng bintana sakin. At nakita ko ang isang gwapong lalake na may kulay brown na mga mata, sobrang ganda nito tignan. May matangos rin na ilong at mapulang labi. "Wag kang paharang harang sa daanan miss" At tsaka siya humarorot paalis.
"Anong paharang harang, Nasa gilid kaya ako" Padabog akong bumalik sa sasakyan ni kuya. Nakita kona siyang nag mamadali sa paglalakad dahil sa init, Agad naman siya lumapit sakin at hinalikan ako sa noo. "Let's go, Alam kong gustong gusto mona umuwi" Natatawa na lang akong tumango tsaka sumakay sa front seat sa tabi ng driver.
****
Pag dating namin ay agad na akong bumaba na kinasigaw pa ni Kuya Ethan. "Wag ka tumakbo" Sobrang init kasi sa labas kaya kailangan ko tumakbo para makapasok ng pintuan. "Opo, Ingat Kuya" Pasigaw kong saad tsaka kumaway at nag patuloy na sa pag pasok ng pintuan, agad ko naman nakita si Mommy na may dalang basket.
"Hi Mommy, Ano yan?" Lumapit ako para bumiso sa kaniya nakita kong labahan ang dala dala niya. "Kinuha ko para hindi na umakyat si Manang Lucy" Nginitian ko lang siya at nagpaalam na para umakyat ng kwarto.
"Bumaba ka na rin mamaya para maka kain ng lunch" Hindi na ako sumagot at nag patuloy na sa pag akyat sa hagdanan. Bigla kong naramdaman ang antok dahil sa kulang na tulog ilang oras lang kasi ang natulog ko dahil sa aga nagising.
Alam kong tanghali na ang gising ko kaninang umaga pero para sakin sobrang aga pa nuon.