Chapter 3: Enemy

1224 Words
Maaga ako nagising dahil kagabi ko pang balak pumasok ng maaga gusto ko kasi mag commute ngayon papasok ng school. Alam ko naman na papayagan ako ni mommy dahil hindi naman ito ang unang beses na susubukan ko ito. Ginagawa kona ito dati pa lalo na kapag wala si Kuya Ethan para ihatid ako o kaya naman pag wala silang pareho ni Kuya Mike. Nakahanda na rin naman ako para bumaba, 5:00 palang kasi ay gising na ako. Alam kong tulog pa si kuya dahil 6:00 palang ng umaga, at hindi pa niya ako makikita. Makakaalis ako ng walang epal na pipigil sakin, Nung una kasi akong nag commute pa pasok ng school ay nakasunod ang sasakyan ni Kuya Ethan sa taxing sinakyan ko. Ayaw kasi niya talaga nuon pumayag na mag byahe ako magisa, Lagi niyang dahilan dahil babae ako at ayaw niya daw ako mapahamak. Pero lagi naman akong inaasar at pinagtitripan. Paglabas ko palang ng kwarto ay nakasalubong ko na agad si Daddy. "Sobrang aga mo naman yata ngayon princess" Binati ko siya ng goodmorning tsaka ngumiti magpapaalam ako sa kaniya dahil alam kong hindi rin papayag si mommy ngayon. "Magba-byahe ako daddy ngayon" Napangiti naman siya at tsaka tumango sakin. Yes, Sabi na eh papayag siya sa gusto ko alam ko rin naman na tulog pa si Mommy kaya naman makakaalis ako ng walang pipigil. "Magiingat lagi ha, Alam mo naman na bawal ka magbyahe mag isa pero pinipilit mo lagi. Alam kong magagalit ang Mommy at Kuya mo pag nalaman nila" Hindi na ako sumagot sa kaniya at nag paalam na dahil kahit anong oras ay magigising na si Mommy at baka maabotan pa ako dito. "Aalis na po ako" Humalik lang ako sa pisngi ni Daddy at nagsimula na maglakad pababa sa sala. Galing kasi si Daddy ng kusina dahil may hawak pa siyang tasa ng tea para kay Mommy. Lagi niya ginagawa yun tuwing umaga, nagising ng maaga para kunan ng tea ang Mommy. Dire-diretsyo akong lumabas sa pintuan ng mansyon. Lalakarin ko na lang hanggang labas ng village, para na rin makapag exercise kahit kunti. Wala pang tao masyado sa labas dahil sobrang aga pa. Kapag kasi dumadaan kami ni Kuya Ethan pag umaga dito ay marami ng batang naglalaro sa labas. Kaya nakaka panibago sakin dahil ngayon lang ako nakalabas ng maaga. Pag dating sa kanto ng village ay agad rin naman ako nakasakay ng Taxi. Pinatay kona muna ang cellphone ko dahil alam kong mamaya ay sunod sunod na ang tawag ng kapatid ko. Masyado siyang oa sa bagay na ganito akala mo ay 5 years old lang ako para laging bantayan pero okay lang dahil ramdam kong nag aalala lang sila para sakin.. Habang nasa byahe ay naalala ko ang nangyari sa parking kahapon. Masyadong mayabang ang lalakeng brown ang mata. Akala mo naman ang ganda ng mata tsk. **** Pagkabayad ko ng taxi ay naglakad na ako papasok ng gate ng campus. Pwede pa pumasok ngayon kahit walang id dahil first week palang naman, pero kahit ganun ay nagsusuot parin ako. Bago kasi mag simula ang klase ay meron akong id na pinadala sa bahay ng school. Bigla akong napagilid na kinatumba ko dahil biglang dumaan sa harap ko ang sasakyan ng lalakeng iniisip ko kanina. Muntik na niya ako mabangga kaya natumba ako sa gilid ng sasakyan niya, hindi man lang siya tumigil para tulongan ako. May lamapit naman saking lalake at tinulongan ako tumayo. "Are you okay miss?" Hindi agad ako nakasagot dahil sa sakit ng sugat sa palad ko. May mga gasgas ito na dumugo kaya masakit. "O-okay Lang" Tinulongan niya ako tumayo ramdam ko ang sakit ng bewang dahil sa biglang pag katumba. Pagkatayo ko ay pinagpagan ko lang ang suot kong dress, Buti na lang at hindi nadumihan kulay itim rin kasi ito na pinagpasalamat ko. "Samahan kita sa Clinic para magamot ang sugat mo" Tumingin ako sa kaniya at umiling kaya ko naman linisin ang sugat ko. Meron akong first aid kit sa locker ko kaya Hindi kona kailangan pumunta pa sa clinic. "Hindi na kaya ko naman" Tumango lang siya at ngumiti. "Ako nga pala si Cloud" Inabot niya ang isang kamay niya para makipag kamay inabot ko naman ito ng kamay kong walang gasgas masyado. "Ako naman si Eloisa" Nakaramdam ako ng kunting kirot ng hawakan niya ang kamay ko. "Una na ako, Thank you" Pagpapaalam ko at umalis na dun masyado na kasing maraming tao ang nakatingin sakin. Nakakahiya rin kung mananatili ako dun alam ko kasi na pinaguusapan na nila ang nangyari. Habang naglalakad papunta sa locker ko ay nakita ko ang lalakeng muntik na makabangga sakin. "Hoy Lalake" Sigaw ko para makuha ang atensyon niya. Lumingon naman siya sa direksyon ko, Nagtataka pa ang itsura niya dahil sa biglang pag tawag ko. Bigla ako nakaramdam ng kaba dahil sa maling desisyon na ginawa ko. "May kailangan ka?" Malamig nitong tanong sakin, napaatras ako sa pwesto ko ng lumakad siya papunta sakin at iniwan ang mga kasama niya. Iling lang ang nasagot ko at tinignan siya patuloy parin ang pag lapit niya sakin. "Diba ikaw yung babae kahapon na paharang harang sa daan" Hindi ako nakasagot dahil kinakabahan ako sa presensya niya. "Hoy Nicholas, Anong ginagawa mo sa kapatid ko" Agad akong napatingin sa likod ko ng marinig ko ang boses ni Kuya Ethan, Lumapit ako sa kaniya at humawak sa damit niya. Nasa likod na niya ako habang siya ay nakatingin ng masama sa lalakeng kaharap namin. "Nagtatanong lang ako, Wala akong ginagawa" Natatawa niyang usal. Naglapitan na rin ang mga kaibigan ng lalakeng kaharap namin ni Kuya. Para silang manghahamok ng away sa tingin nila. "Oh talaga kaya pala muntik mo ng mabangga ang kapatid ko" Nagulat ako at natakot dahil bigla na lang lumapit si Kuya Ethan para kwelyohan ang lalakeng kausap niya. "Kuya Ethan, Tama na" Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari kaya naman hinihila ko na siya para umalis sa lugar na ito. "Malaman kopa na may nangyari sa kapatid ko ng dahil sayo malalagot ka sakin!" Hinawakan ni Kuya Ethan ang kamay ko na kina-ingit ko dahil sa kanang kamay niya ako nahawakan kung saan may malaking gasgas. "K-kuya" Bigla niyang tinaas ang kamay ko at nakita niya ang mga gasgas at sugat na may tuyo pang dugo. Agad siyang bumalik sa pwesto ng mga lalakeng nakausap namin na kinagulat ko dahil bigla niyang sinuntok sa Mukha ang lalakeng Nicholas ang pangalan. "T*NGINA MO, ANONG GINAWA MO SA KAPATID KO!" Ramdam ko ang galit ni Kuya kay Nicholas dahil hindi siya tumitigil kakasuntok. Putok na ang labi at dumudugo na rin. Pero hindi man lang siya lumalaban kay kuya. "K-kuya Ethan, Tama Na" Nanginginig na ako sa takot dahil nakikita ko ng nasasaktan ang sinusuntok ni Kuya. Nagsisimula na rin tumulo ang luha ko dahil sa takot ngayon ko lang nakita si Kuya na manakit ng tao. Natigil siya at nabitawan si Nicholas ng makitang umiiyak na ako. Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa noo. "Tara na, Gagamotin natin yan sa clinic" Tumango lang ako sa kaniya at nag simula na maglakad lumingon pa ako para makita ang lalakeng sinuntok ni Kuya Ethan nakatayo na ito at pinupunasan ang dugo sa gilid ng labi niya. Ngumiti pa ito sakin na nagpabalik ng tingin ko sa daan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD