Her eyes
Chapter 1
Nakakabinging katahimikan sa gitna ng dilim.Yakap-yakap ng sampung taong gulang na bata ang sarili sa gitna ng kagubatan.Nanginginig siya sa takot.Siguradong maraming nagkalat na mababangis na hayop sa paligid.
Mommy,Daddy...he is shaken in so much fear.Ayoko na dito i want to go home....humihikbing sabi niya habang hilam sa luha ang kanyang buong mukha.May sugat siya sa talampakan ng mapatid siya sa sanga ng isang puno dahilan para madapa siya.
Napasarap siya sa paglalaro at di namalayang nakalampas na siya sa haciendang pag-aari nila.Hindi pa naman niya kabisado ang buong lugar dahil sa Maynila sila nakatira at bihirang umuwi.
Ano na ang mangyayari sakin....tanong niya.Kanina pa siya nagugutom at sumabay pa ang takot na nararamdaman.
Samantala sa kabilang banda ay hindi abala ang mga tauhan ng Hacienda Grauntson sa paghahanap sa nag-iisang tagapagmana.
Mackie Sander Grauntson.!
Senyorito Mackie!sigaw ng mga ito dala-dala ang mga flashlight at lampara.Asan na po kayo senyorito sigaw ng mga ito.
Sa masukal na kakayuhan abala ang batang babae sa paghahanap ng gagamba.Hindi man lang kababakasan ng takot ang kanyang mukha.Pero mukhang iba ang nahanap niya.
Owww...!ay hehe pogi ni kuya.Itinapat niya ang ilaw sa batang nakabaluktot at nakasandal sa isang puno.Takot na takot ito ng tumingin sa kanya.
S-sino ka?tanong nito.
Ikaw ang dapat kong tanungin kung sino ka at anong ginagawa mo ditong mag-isa?tanong nito.Tumingin siya sa magagandang mga mata ng batang babae.Ngayon lang siya nakakita ng ganito kagandang mga mata.Nagniningning at kumikinang sa gitna ng kadiliman.
Napakurap-kurap siya at tila nabato balani habang nakatitig dito.Tila lahat ng takot at pangamba niya ay nilipad na ng hangin. Pinitik nito ang kanyang noo na nagpabalik sa kanyang diwa.
Naligaw ako at hindi ko makita ang daan pabalik.
Hmmm takot ka no?ang laki mong tae matatakutin ka?Umupo ito sa tabi niya.Tantiya niya nasa edad anim o pito ito.
Hindi naman dapat katakutan ang dilim bagkus ay damhin natin ang kanyang katahimikan.
Ikaw naligaw ka rin ba?tanong niya rito.
Hindi....kabisado ko na ang daan pabalik sa'min kaso yari ako nito kay nanay sigurado kurot sa singit ang abot ko tumakas kasi ako para maghanap ng gagamba haha.
Ano namang gagawin mo sa gagamba?
Hoy di mo alam naibebenta ko yon no?uso kasi ngayon o di may pera .
Hay ginagawa mong pera ang panghuhuli sa kanila?di ka na naawa.
Ito naman siyempre kailangan kong kumita ng pera.Sa tingin ko sa'yo mukhang anak mayaman ka ka di mo alam ang pakiramdam ng kumakalam ang tiyan.
Ay hehe!may dinukot ito sa bulsa ng short.Hmmm....baka nagugutom ka na.Dalawang piraso ng bubble gum.
Thank you, gutom na siya kaya no choice siya.
Panigurado hinahanap ka nila ngayon.
Sana nga umaasang sagot niya.
Ubusin mo na yan at sabay na tayong aalis dito sabi nito.
Sigurado ka alam mo ang daan?tanong ulit niya.
Oo nga kulit nagkamot ito ng ulo habang nginunguya ang bubble gum.
Kanina pa tayo nag-uusap hindi ko pa alam ang pangalan mo..ako nga pala si Mackie...inilahad niya ang kamay ....inabot ng maliit nitong kamay ang kamay niya.
Ako si Inya.
Mackie.....Pwede bang tawagin na lang kitang Aki?tama!Aki mas bagay..
I-ikaw ang bahala.
Ok ako naman ang tawag sakin Inya.Natawa siya sa pangalan nito.
Oo eh ang nanay kong pasaway ang nagbansag sakin sabi nito.Inabot nito ang kamay sa kanya.
Halika ka na abutin mo ang kamay ko.Inabot niya ang kamay nito at dahan-dahang tumayo.Napangiwi siya ng maramdaman ang sugat.Napatingin ito sa kanyang binti.
O may sugat ka...puna nito.Mabilis nitong tinanggal ang panyong nakatali sa leeg nito.Yumuko ito at itinali sa paa niyang may sugat.Hindi siya nakapagsalita sa inakto nito.Ayan tapos na. Inabot uli nito ang kamay niya.
Halika na yaya nito.Sa gitna ng kadilimang nilalakaran ako ang magsisilbing liwanag at gabay upang daan ay iyong masumpungan.
Lumingon siya sa kasama.Hindi nanaman maalis ang titig niya dito.
Huwag kang mag-alala kasama mo ako.Hawakan mo lang ang kamay ko ng mahigpit.Hmmm...tumango siya at panatag na naglakad sa kadiliman ng gabi.
Senyorito Mackie!asan na po kayo!narinig niya ang kanyang pangalan at mukhang palapit na sila sa sigaw na naririnig.
Dami palang naghahanap sa'yo sabi nito.
Ilaw!tinuro niyang kinaroronan ng mga naghahanap sa kanya.Napalingon siya sa kasama.Natigilan ito at hawak ang tapat ng dibdib.
Inya?ayos ka lang?niyugyog niya ito.Namumutla na rin ito.
Inya ano ba?!Hindi siya nag-aksaya ng panahon.Pumuwesto siya sa harapan nito.
B-bakit?tanong nito.Sumakay ka sa likod ko...mukhang hindi ka okay.
Napagod lang ako hindi mo ako kailangang buhatin.
I insist bilis na!bahala ka mabigat ako...at sumampa na ito sa likod niya.
Bigat mo pala...biro niya rito.
Sabi ko sa'yo eh!baba mo na ako sabi nito.
Hindi ok lang ako.
Dito!nandito kami!sigaw niya.Mukhang narinig naman siya ng mga ito at tumakbo sa kanilang direksiyon.
Senyorito Mackie!nagulat ang mga ito ng hindi siya nag-iisa.
I-Inya?!Tawag ng isa sa mga ito.
Tay?!anong---huwag mong sabihing tumakas ka nanaman para manghuli ng gagamba?!may bahid ng pag-aalala ang tinig nito.
Ibaba mo na ako bulong nito.Dahan-dahan siya lumuhod para makababa ito.
Senyorito Mackie bumalik na po tayo sa Hacienda yaya ng isa sa mga tauhan.
Ariel iuwi mo na ang anak mo baka makasama sa kondisyon niya sabi ni ka Elmer.
Salamat ka Elmer.Tumango ito.
Halika na..hinila na siya ng ama.Nilingon niya si Aki at nginitian saka kumaway.
Magkikita pa tayo di ba?Kibit-balikat si Inya.
Kapag naligaw ka ulit sa gubat nagbibiro nitong sagot.
Panyo mo pala!pahabol niya rito.
Sa'yo na yan..itago mo baka magkita ulit tayo sa susunod.Babye!bye!kumaway din siya dito.Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na masulyapan ang tatay nito
Mackie!Tumakbo ang kanyang ina patungo sa kanya.Sakto namang parating ang ama.Tinawagan ito ni ka Elmer para ipaalam na nakita na siya. .
Ayos ka lang ba anak?tanong ng kanyang ina.Ok lang po ako mommy.
Mackie....sa susunod huwag ka basta-basta lumalabas ng mag-isa...mapanganib sa labas ng hacienda sabi ng ama.
Salamat at natagpuan niyo siya wika ni Marco sa mga tauhan.
Sir hindi kami Ang nakahanap sa kanya kundi ang ...he stop ka Elmer for a while at binalingan ang asawa.
Lexie ipasok mo na ang anak mo.Lumapit si Elmer at may ibinulong tumango ang amo.
Ipatawag mo siya at kakausapin ko utos nito sa tauhan.
Masusunod po. . Araaay.....!masakit nanay!
Gusto mo pa?tanong ni Celina sa anak.Alam mo na kung gaano mo ako pinag-alala?!lumuha ang kanyang ina.
Sorry na po nay...gusto ko lang pong makatulong sa inyo,alam ko po nahihirapan na kayo dahil sa'kin malungkot na sambit niya.
Hindi!hindi totoo yan anak.Ikaw ang kayamanan namin sa buhay at hinding-hindi kami mapapagod.Lumapit ang ama sa kanya.Inya magiging maayos ang lahat.
Ayaw ko na pong uminom ng mga gamot.Ayoko na po kayong makita kayong nahihirapan.Yan ang huwag na huwag mong gagawin.Mas lalong sasama ang loob namin sa'yo.
Mahal na mahal ka namin anak.