Dismayado sila sa naging sagot ko. Wala namang nagawa si Bruno kundi ang ibigay sa'kin ang shot glass naglalaman ng soju. Halos mapapikit ako't maduwal sa lasa nito. s**t. That's gross! Umabot kami ng halos kalahating oras sa pag-ikot ng bote. Ilang beses ding tumapat ang baso sa'kin at karamihan sa mga tanong nila ay hindi ko sinagot. Patagal nang patagal ay nagiging green na rin ang mga tanong nila. Pati si Chloe ay nakadami na rin ng inom. Si Lunoxx lang yata ang wala pang masyadong nainom dahil minsan lang naman tumapat sa kanya ang bote at madalas ay naisasagot niya naman ang mga tanong na binabato sa kanya. Now it's my turn to spin the bottle. Dahil nga sa mababa ang alcohol tolerance ko'y nakakaramdam na ako ng panghihilo. Iniabot sa'kin ni Ryko ang bote saka ko ito ipinaikot. Nap

