Shaznia's P.O.V: Nang makabalik ako sa toy store ay naabutan ko pang may kausap si Lunoxx sa kanyang selpon habang si Shaina naman ay abala pa rin sa paghahanap ng laruang gusto niya. Bago pa man ako tuluyang makalapit ay ibinaba na ni Lunoxx ang kanyang cellphone at mabilis itong isinilid sa kanyang bulsa. “Are you done?” tanong ko kay Ina. “Opo, Mama!” Tinulungan na siya ni Lunoxx sa mga laruang napili niya saka kami pumunta ng counter para mabayaran na ang mga laruan na binili namin. Pagkatapos non ay nag-lunch na muna kami. Hindi na rin kami nagtagal sa mall na iyon at nang mag-alas tres na ng hapon ay nag-aya ng umuwi si Lunoxx. Pakiramdam ko’y may problema siya. Sinalubong kami ng kasambahay namin na si Ate Minda nang makarating kami. Tinulungan siya ng mga bodyguards na ip

