Shaznia's P.O.V: Nang mag-alas nwebe na ng umaga ay sabay na kaming umalis ni Lunoxx sa hotel. Kasabay din namin sina Bruno at Lucas na kalalabas lang din sa kabilang kwarto. Ipinagbilinan na ako ni Lunoxx kay Lucas dahil kailangan na nilang um-attend sa convention. Nang makarating kami ni Lucas sa Maynila ay idiniretso niya na ako sa bahay. Naabutan ko pang nandoon ang mga lalaking nakaitim na suit na nakabantay sa labas ng bahay. Kung hindi ako nagkakamali ay lima silang nandito sa labas. Natigilan sila nang i-park ni Lucas ang kanyang sasakyan sa labas ng bahay namin. Pagkababa ko’y binati nila ako. “Good morning, Ma’am Shaznia.” Ngitian ko sila. “Magandang Umaga.” Nagpaalam na ako kay Lucas na papasok na. Siya nama’y naiwan muna sa labas dahil kakausapin niya raw muna ang mga ito.

