Shaznia's P.O.V: Kasalukuyan kaming nakasakay ngayon ni Lunoxx sa elevator at kasama namin sina Lucas at Bruno. Pare-parehas kaming tahimik at wala ni isa sa amin ang may balak na magbukas ng usapan hanggang sa tumunog na ang elevator hudyat na nasa wastong palapag na kami. Unang lumabas si Lucas kasabay si Bruno. Nang maramdaman ko ang paglapit ni Lunoxx sa’kin ay lumabas na ako ng elevator at dumiretso sa opisina ko. Alam kong nabigla di Lunoxx sa ginawa ko dahil kita sa peripheral vision ko na saglit siyang natigilan sa ginawa ko. Miski sina Lucas at Bruno ay napatingin sa gawi ko. Narinig ko pang inutusan ni Lunoxx sina Lucas na mauna na sa opisina kaya lalo kong inabala ang sarili ko sa monitor na nasa harapan ko. “Babe, what’s wrong?” dinig kong tanong niya ngunit hindi ko siya p

