Shaznia's P.O.V: Ilang beses akong siubukang kausapin ni Lunoxx, pero ilang beses ko na rin siyang pilit na iniiwasan. Alam kong masama ang loob ko sa kanya kaya iniiwasan kong magtalo kami. Iniiwasan ko na baka may masabi akong ikasisira naming dalawa. Hindi namanakogalit sa kanya, galit ako sa naging desisyon niya. Kahit saang anggulo ko tingnan, hindi ko pa rin talaga maintindihan ang naging desisyon niya. Why is it so easy for him to believe Celestine? Naniniwala akong hindi siya buntis, at kung totoo mang buntis siya ay naniniwala rin akong hindi si Lunoxx ang ama ng batang dinadala niya. Nang mag-alas sais y medya ay nakatanggap ako ng mensahemula kay Ryle. He informed me na nasa lobby na siya’t hinihintay ako. Wala na rin naman akong ginagawa dahil natapos ko iyon kanina pang ala

