Shaznia's P.O.V: Kinabukasan ay halos magkasabay kaming pumasok ni Lunoxx sa kumpanya. Hindi pa rin kami nagpansinan hanggang sa makasakay kami ng elevator. Kakausapin niya lang ako sa tuwing may kailangan siya. Nitong umaga rin ay dumalaw si Celestine sa kanya sa opisina. Pilit niya man akong kausapin ay hindi ko pa rin siya binibigyan ng atensyon na gusto niya. Wala na rin akong panahong makipagbangayan sa kanila. I don’t wanna waste my time on her nonsense arguments. Kung dati’y pinapatulan ko siya, ngayo’y hindi na. Sa tuwing pinapatulan ko kasi siya’y lalo siyang nagpapapansin. Hinayaan ko sila ni Lunoxx dalawa sa loob ng opisina. Nang mag-lunch ay hindi ako muling nagpaalam kay Lunoxx. Bumaba na ako at habang nakasakay na ako sa elevator ay tinext ko na si Chloe na samahan ako sa

