Shaznia's P.O.V: Paglabas namin ng clinic ay agad akong pinaulanan ng tanong ni Chloe. Sinabihan ko naman siya na itikom muna ang bibig niya dahil baka may makarinig sa’min. Buti na lang at tumigil na siya katatanong. Kaya nang makasampa kami sa kanyang sasakyan ay agad niya na akong pinaulanan ng mga tanong. “First question, saan mo nakuha iyong impormasyon tungkol kay Doc. Ochora?” Isinuot ko naman ang seatbelt ko saka sumagot sa kanya, “I did a research. Hindi na importante ‘yon.” “Ito na lang...saan mo nakuha ang fifty thousand pesos na ‘yon?” “Sariling pera ko ’yon,” pagsisinungaling ko. “Chloe, we need to get back to the company as soon as possible. Kailangan kong harapin si Celestine pagkatapos nito.” “Oo na! Huwag mo akong english-in! Nahahawa ka na sa boyfriend mo, e!”

