Shaznia's P.O.V: Halos mag-a-alas sais na ng gabi nang makarating kami sa bahay nila. Pinagbuksan pa kami ng gate ng ibang kasambahay nila. Pagkatapos lang na ma-i-park ni Kuya Manuel ang kotse ay saka pa lang kami bumaba ni Lunoxx. Pinaulanan kami ng pagbati ng mga kasambahay nila. Pagpasok namin sa kanilang bahay ay saka lamang ako nagkaroon ng oras na pagmasdan ang salas nila at ang disenyo sa loob ng kanilang bahay. Noong una ko kasing apak dito ay hindi ko na pinansin pa kung ano bang itsura ng bahay ni Lunoxx dahil na rin sa pagmamadali. Ngayon lamang ako nagkaroon ng pagkakataon na pagmasdan ang bawat sulok ng kanilang bahay. Ang minimal pala ang disenyo ng bahay nila. Ngayon ko lang din napansin ang malaking frame na nakasabit sa wall. Kung hindi ako nagkakamali ay isa itong fam

