Shaznia's P.O.V: Ilang saglit pa kaming nanatili sa rooftop at nang umambon na ay saka lang kami nagdesisyon na bumalik na sa opisina. Naging abala na kami sa kani-kanyang ginagawa hanggang sa pagsapit ng alas singko ng hapon ay nag-aya na ito sa’kin na umuwi na. Tinaasan ko pa siya ng kilay. “Seryoso po ba kayo? Alas singko pa lang po.” “I’m taking you on a date tonight, right?” Dahan-dahan akong tumango sa kanya. “Alam ko po.” “Just pack your things, Shaznia. Let’s go.” Wala na akong nagawa kundi ang ligpitin ang mga gamit ko gaya ng utos niya. Pinatay ko na ang monitor ko, inilagay ko na sa drawer ang ibang mga papeles ko’t ipinasok na sa bag ko ang ibang mga gamit ko. Kinuha ko rin ang bigay niyang bulaklak. Nang makita niyang handa na ako’y humarap na siya sa elevator at sabay

