Hindi ko lubos akalain na talagang seseryosohin ni Lunoxx na bantayan ako rito sa bahay. Tinawagan kasi ako ni Mama at sinabi niyang mamayang hapon pa raw sila makakauwi dahil gusto pa raw kasi maka-bonding nina Mr. at Mrs. Monteverde si Shaina. Si Chloe at Bryle naman daw ay umuwi na, ganoon din sina Bruno at Lucas. Si Ryle naman ay nanatili ro'n dahil sasamahan niya sina Mama at Shaina. Siya rin kasi ang maghahatid pauwi kila Mama. Alam na rin ni Mama na kasama ko si Lunoxx sa bahay dahil nag-text daw si Lunoxx sa kanya. Kasalukuyan akong nasa kwarto ngayon at nagbibihis. Hinihiling ko nga na sana paglabas ko'y wala na siya sa sofa. Naiilang kasi ako sa presensya niya lalo na sa tuwing naaalala ko iyong nangyari sa amin kagabi. Naaasar nga ako dahil hindi naman siya mukhang bothered. S

