Kabanata XLIV

1265 Words

Umabot kami ng halos dalawang oras sa biyahe dahil na rin sa tindi ng traffic. Buti na lang din at nakumbinsi ko si Lunoxx na ibaba na lang ako sa bahay kaysa iyong ideya niyang dadalhin niya pa ako sa ospital. Ang OA naman kasi. Hindi naman malalim ang sugat ko tsaka masyadong malayo sa bituka. Buti sana kung napilay ako. Napapaisip din talaga ako sa biglang pagbago ng pakikitungo ni Lunoxx sa'kin. Ano kayang nakain niya? Ang akala ko nga'y susungitan niya na ako kanina. Gusto ko siyang komprontahin tungkol sa nangyari kagabi pero nauunahan ako ng hiya. Itinuro ko kay Lunoxx ang direksyon ng bahay namin, at nang ma-i-park niya na ito ay tinanggal ko na ang seatbelt ko. Paglingon ko sa driver's seat ay wala na roon si Lunoxx. Nagulat na lang ako nang magbukas ang pinto sa tabi ko't nasa t

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD