NANG MATAPOS ang klase nila sa hapon na iyon ay napagkasunduan nilang magkasintahan na sa knaia-kaniya munang bahay matutulog. Naisip ni ALiyah na mas okay na rin iyon upang kahit paano ay makapagpahinga siya nang mabuti at ganoon na irn si Celestine. Kapansin-pansin din sa nobya niya ang pananahimik nito mula nang makabalik siya kanina mula sa lunch meeting niya with Lavi. Pero kahit ganoon, hinayaan na lang muna niya si Celestine. Alam naman niya sa sarili niya wala siyang ginagawang masama. Ngunit ang naramdaman niya kanina habang kasama si Lavi ay aaminin niyang nagpalito sa kaniyang isip. Wala siyang intensyon na makaramdam ng iba dahil kusa na lang niya iyong naramdaman. Pinilig niya ang ulo upang alisin ang bagay na iyon sa kaniyang isip. Hindi iyon tama at ayaw niyang masaktan s

