"NA-CONTACT MO na ba si Felicity?" tanong ni ALiyah kay elestine nang makabalik siya sa sala dala ang first aid kit. Naupo siya sa tabi nito na kanina pa may hawak na cellphone at sinusubukan na tawagan ang kaibigan nila. "Hindi pa nga sinasagot, e. Kanina ay nag-riring pa pero ngayon, naka-off na ang phone niya." Bakas sa muykha ni Celestine ang pagkairita. Tiningnan nito ang hawak niyang bulak na nilagyan diin niya ng alcohol. Nang hawakan ni ALiyah ang kamay nitong may sugat at kaagad na dinantay doon ang basang bulak. Napangiwi si Celestine nang maramdaman ang hapdi na dulot niyon. Hinipan naman iyon ni Aliyah iyon upang kahit paano ay maibsan ang kirot. Ilang minuto niyang ginamot ang sugat nito sa kamay. Maliit lamang iyon ngunit kailangan pa rin na ma-disinfect. "Tingin mo ba ay

