TAHIMIK AT WALANG kibuan sina Celestine at Lavi habang nakatayo sila sa gilid ng kalsada. Si Lavi ay nakasandal sa kotse nito habang humihithit ng vape. Mabuti na lang at amoy strawberry ang usok niyon kaya hindi masyadong masakit sa ilong. Samantalang si Celestine naman ay nakatayo sa harapan nito. Ang mga kamay ay parehas na nakalagay sa magkabilaang mga bulsa. Kalat na ang dilim at tanging liwanag mula sa buwan at ilaw sa poste ang siyang nagbibigay ng liwanag sa kanila. Sapat upang makita ni Celestine ang magandang mukha ni Lavi. Kung wala lang siguro itong gusto sa kaniyang nobya ay malamang baka magkasundo sila nito. Bumuga siya nang malalim na hininga saka hinawi ng isang kamay ang usok na papunta sa kaniya. "Ano bang benefits ang nakukuha ninyo sa paggamit niyan?" tanong niya h

