ELARA’S POV
Nagpatuloy ang kasiyahan. Hindi rin nagtagal ay natapos na ang laro at muling nag-inuman ang lahat.
Iilan na lang kaming nanatili sa pwesto namin. Iyong iba ay nagsasayaw na sa gitna, meron namang nakihalo na sa ibang grupo. Meron namang may kalandian na. Alam ko naman na liberated ang iba kong kaklase pero hindi pa rin ako sanay na harap-harapan ko iyong nakikita.
“I like the man you kissed a while ago. Siguro kung sa akin binigay ang dare mo, hindi lang kiss ang gagawin namin. I will make him tonight,” biglang saad ni Aira. Sinabi na rin niya iyon kanina.
“Hindi mo naman gaya si Elara,” saad ni Maurice.
“Yes, magkaiba kami. Hindi kasi ako boring,” sagot ni Aira at tumingin sa akin. “Don’t get me wrong. May hitsura ka, pero sa tingin ko, hindi ikaw iyong babaeng lapitin ng mga lalaki. Nakita ko nga ang reaksyon noong guy na hinalikan mo kanina. Noong iniwan mo, parang wala lang. Siguro alam niya na dare lang kaya sinakyan ka lang niya.”
“Ganoon ba?” nakangiting sagot ko pero hindi ko mapigilang mapikon.
“Hindi naman boring si Elara, medyo conservative lang siya. Grabe ka naman,” pagtatanggol naman sa akin ni Maurice.
Ngumisi sa akin si Aira.
“Really? Elara tell me, are you still a virgin?”
Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Bakit kung makapagtanong siya, parang nakakainsulto na virgin pa ako. Gayong proud ako. Hindi ako ang tipo ng babae na bubukaka kahit kanino.
“Well, bakit ba ako nagtatanong. Obvious naman. I think, you need to chill sometimes. Try to sleep with someone, kasi sure naman ako na hindi rin naman virgin mapapangasawa mo. Kasi panahon ngayon, 0.5 percent na lang ang lalaking virgin, so don’t save something, he did not save for you,” payo pa niya sa akin.
“No thanks,” sagot ko.
Pananaw niya iyon. Pero iba ang pananaw ko. Mahalaga pa rin sa akin ang p********e ko.
Ngumuso siya. Kaya napasunod ako ng tingin. Nakita ko ang lalaking nakatalikod at may kayakap na babae.
“I know him, may girlfriend na siya, but look. He is cheating. Boys love to play, so if you want to end up hurting, you should know how to play with their games.”
“Alam mo, Aira. Huwag mo demonyohin ang utak ni Elara,” saway ni Maurice dito.
“I am not. Gusto ko lang mag-enjoy siya. Sayang naman kung hindi siya titikim ng luto ng Diyos.” Lumapit sa akin si Aira at bumulong. “It’s not bad to be wild sometimes, just make sure you are safe. I dare you to try it once, and you would not regret it. Try to sleep with someone for a night, you need an experience, Elara. Don’t be boring.”
Saka siya tumayo at lumapit sa isang lalaki na agad naman pumulupot ang braso sa beywang niya.
“Huwag mo na lang pansinsin si Aira. BI talaga minsan ang babaeng iyan,” saad sa akin ni Maurice kaya ngumiti ako sa kaniya at tumango.
Pero napapaisip ako sa sinabi ni Aira. What if gawin ko? Isang beses lang? Bigla kong pinilig ang ulo ko. No. Hindi pa ako nababaliw para makipag-one-night stand. Iyong kiss nga alam ko na hindi ko na iyon malilimutan. Paano pa kaya kapag iyong bagay na iyon pa? Dapat sa taong mahal ko lang iyon gagawin.
Nagtungo ako sa comfort room. Medyo namumula na ako nang tumingin ako sa salamin. Alam kong kapag uminom pa ako malalasing na ako.
Nang pabalik na ako sa table namin ay narinig ko ang usapan ng mga lalaking ka-klase ko.
“Boring kasi mga babae sa klase natin. Gaya ni Elara, maganda sana kaso mukhang walang alam,” rinig kong saad ni Yosef at nagtawanan sila. Pero nang makita nila ako ay bigla silang nanahimik.
“I am not boring. Hindi lang kayo ang mga tipo ko,” saad ko habang nakataas ang noo.
Tumingin ako sa relo ko. Mag-aalas dose na. Medyo marami na rin akong nainom kaya kailangan ko nang umuwi. Pero pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin kaya nilibot ko ang tingin sa buong paligid pero wala naman akong makita. Wala na rin ang lalaking hinalikan ko kanina sa pwesto niya.
“Mauna na ako, kailangan ko nang umuwi,” paalam ko kay Maurice.
“Ha? Maagap pa. Huwag mo na lang pansinin sina Yosef, kilala mo naman mga iyon, maloko lang.”
“No, baka hinahanap na ako ni Mommy,” saad ko.
“Okay, may sasakyan ka ba?”
“Magta-taxi na lang ako,” sagot.
“One last shot bago ka umuwi,” saad ni Joan at siya na mismo ang nagpa-inom sa akin ng alak na hawak niya kaya wala na akong nagawa kundi lagukin ko iyon.
Saka ako tuluyang nagpaalam sa kanila. Humakbang ako palabas ng bar pero biglang may humila ng kamay ko papunta sa gilid at nanigas ang katawan ko nang biglang may humalik sa akin ng mariin. Parang hinihigop niya ang lahat ng hangin sa baga ko kaya nagpumiglas ako.
Sasampalin ko na sana siya nang pakawalan niya ang labi ko pero nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko ang lalaki. Siya ang lalaking humalik sa akin kanina.
“Who is she?” sabay kaming napalingon sa nagsalita.
Napakunot ang noo ko nang makilala ko kung sino ang babae. Siya iyong nakasabay ko sa cr kanina.
“She’s my girl,” sagot nang lalaki at bago pa ako makatanggi ay muli niyang inangkin ang mga labi ko.
Saka niya ako muling pinakawalan at hinila palabas ng bar. Hindi ko alam kung bakit nagpaubaya na lang ako pero nang huminto kami sa tapat ng isang itim na kotse ay tila natauhan ako. Napansin ko rin na medyo tagilid na siyang lumakad. Ibig sabihin ay lasing na siya.
Binuksan niya ang pinto.
“Get in,” utos niya at pinilig ang ulo.
Umiling ako. Mukhang hindi na niya kayang magmaneho. Tapos pasasakayin niya ako sa kotse niya.
“Bakit ako sasama sa iyo, kilala ba kita?” mataray na tanong ko.
“Hindi mo ako kilala, but you kissed me,” sarcastic na sagot niya.
Mukhang may lahi siya pero marunong siya magtagalog kaya sa tingin ko half-lang siya.
“Dare lang iyon. I am sorry, you also kissed me kaya quits na tayo.”
Ngumisi siya. Bigla niya akong hinapit sa beywang kaya nagdikit ang mga katawan namin. Naamoy ko ang mabangong amoy niya. Naghahalo iyon sa amoy ng alak.
“Did they dare you to kiss me because they know you don’t have experience?” tanong niya pero pakiramdam ko ay na-insulto ako sa sinabi niya.
“Jerk.”
Tumawa siya sa sinabi ko. Pero bigla siyang napasandal sa kotse. Lasing na talaga siya.
“Send me to nearest hotel and I will forget what you did,” utos niya.
Asar na tumingin ako sa kaniya. Gusto kong tumanggi pero nakokonsensya naman ako kung iiwan ko siya. Marami pa naman ang parang gusto siyang iuwi kaya nang i-abot niya sa akin ang susi ng sasakyan niya ay kinuha ko na.
Sumakay siya sa passenger seat at ako naman ang nagmaneho. Marunong naman ako mag-drive kahit wala akong kotse dahil may kotse si Mama at minsan ay ako ang ginagawa niyang driver.
Huminto kami sa pinakamalapit na hotel. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko. Inaantok na rin ako at alam kong may tama na rin ako ng alak dahil medyo marami na rin akong nainom kaya gusto ko nang makauwi.
Tinulungan ko siyang bumaba ng sasakyan. Matapos kong makakuha ng room niya ay sumakay kami ng elevator. Ramdam ko ang bigat niya dahil nakaakbay siya sa akin.
Agad kong binuksan ang pinto para papasukin siya pero hinila niya ako papasok sa loob at bago pa ako maka-react ay muli niyang hinalikan ang mga labi ko.
Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam ang gagawin ko lalo na nang isandal niya ako sa dingding habang hawak niya ang magkabilang kamay ko.
Mariin niya akong hinahalikan. Pero biglang naging banayad ang paraan ng paghalik niya habang tinutukso ang mga labi ko. Hanggang sa hindi ko namalayang bumuka na ang mga labi ko at hinayaan siyang halikan ako.
“Damn, I f*****g love the taste of your lips,” anas niya sa pagitan ng paghalik sa akin.
Pinakawalan niya ang mga kamay ko at hinawakan ang beywang ko bago ako hinapit papalapit sa kaniya.
Parang may sariling isip ang mga braso ko na pumulupot sa leeg niya.
Parang biglang naging blurred sa akin ang lahat. Hindi ako makapag-isip ng matino. Alam kong mali ang ginagawa namin. Hindi dapat ako nagpapadala sa halik ng lalaking kahit pangalan ay hindi ko alam, pero nang muli niyang sakupin ang mga labi ko ay hindi ko na magawang tumutol.
Parang may kung anong nabuhay sa loob ko.
Habol ang hininga ng pakawalan niya ang labi ko.
Medyo madilim ang buong paligid. Tanging ang dim light na nasa may gilid lang ang ilaw.
“I n-need to go home,” medyo hinihingal na saad ko.
“Are you sure? Don’t you want to spend your night with me?” mapang-akit na tanong niya at hinalikan ang panga ko.
“I don’t know you. This is wrong,” sagot ko na pilit nag-iisip ng tama.
“Wrong? Why do you have a husband?”
“No.”
“Then, this is not wrong. It’s normal,” saad niya at muling pinatakan ng halik ang labi ko.
Kailan pa normal ang makipag-make up sa isang stranger? Hindi ako pinalaking malandi ng ina ko, pero bakit ginagawa ko ang bagay na ito ngayon?
Sinubukan ko siyang itulak at akmang aalis na ako pero mabilis niya akong hinawakan at pinaharap sa pader. Napakislot ako nang bigla niyang halikan ang batok ko.
“Why are you running?” bulong niya sa likod ng tenga ko. Naikuyom ko ang mga kamao kong nakatuon sa dingding. “You smell good, lemon?” Pinatakan niya ng halik ang balikat ko. Naka-spaghetti strap na dress lang ako kaya labas ang balikat ko.
“Y-yes.” Lemon flavor ang bodywash ko.
Muli niya akong hinarap kaniya. Nagtama ang mga mata naming dalawa. Kunting liwanag lang ang umiilaw sa buong kwarto pero kitang-kita ko pa rin ang gwapong mukha niya.
“Let me go. You are drunk,” mahinang saad ko.
“Do you really want to leave? Hmmm?” inamoy niya ang leeg ko. “Woman, I want to f**k you right now.”
Biglang nayanig ang buong pagkatao ko dahil sa sinabi niya. Napatanga ako. Dapat tumakbo na ako habang may pagkakataon pa ako pero nanatili lang ako sa kinatatayuan ko. Hinalikan niya ang leeg ko dahilan para mapapikit ako.
“I will kiss you, you can push me and I will stop,” muling saad niya at muli akong hinalikan sa mga labi ko.
Then I suddenly remembered all those things that Aira said to me. One night. Just an experience. Just have fun and not be boring.
Patutunayan ko ngayong gabi na hindi ako boring.
Hinawakan ko sa magkabilang pisngi ang lalaking humahalik sa akin at nilayo ang mukha niya. Huminto naman siya.
“Okay, I am sorry. You can go now,” saad niya at tatalikuran na sana ako pero hinawakan ko siya sa braso.
I tiptoed closer and kissed him. Everyone says he’s hot and handsome, and I told myself it wouldn’t be so bad to lose it to someone like him.
With a bit of provocation and alcohol clouding my judgment, I made a choice I didn’t yet realize I would regret.