ELARA’S POV
Nang makarating ako sa bahay ay pagod na naupo ako sa sofa. May trabaho na ako. Hindi ko na kailangang mag-isip kung saan ako kukuha ng pera panggastos sa pagbubuntis ko pero kapag naiisip ko ang nalaman ko kanina. Parang mas malaki ang problema ko.
“Hindi, kailangan mo ng trabaho, Lara. Heto na iyon,” pagkausap ko sa sarili ko.
Kung umalis na siya ng bansa, gaya ng mga naririnig ko, ibig sabihin maaring matagal pa bago siya bumalik. Kaya habang hindi pa siya bumabalik, hindi ko muna iyon kailangang isipin.
Tumingala ako sa kisame. Tumitig ako sa bombilya ng ilaw. Hindi pa rin ako makapaniwala na isang De Silva ang nakabuntis sa akin. Nilagay ko ang isang kamay sa tiyan ko.
“Mga anak, mukhang hindi natin matatakasan ang tatay ninyo,” bulong ko.
Siguro kung hindi ako nagpadala sa mga sulsol sa akin ng gabing iyon. Hindi ako mabubuntis. Hindi ako mapapalayas ni Mama. Pero nandito na ito, kahit pagsisihan ko ng ilang beses, wala nang magbabago.
Pinikit ko ang mga mata ko habang inaalala ang mga nangyari. Kung paanong ang simpleng graduation party lang sana ay nauwi sa isang mainit na gabi.
Graduation day, matapos ang event kanina ay dumiretso kami sa graduation dinner party na ginaganap ngayon sa hotel. Hosted by one of my classmates. Hindi na sana ako sasama pero hinila ako ni Maurice. Pinayagan din ako ni Mama ngayon nang magpaalam ako kanina. Medyo strict sa akin ang ina ko kaya hindi talaga ako basta-basta nakakapunta sa mga party pero siguro dahil graduate na ako kaya pinayagan niya ako.
Pero akala ko ay uwian na pagkatapos ng dinner pero nagyaya pa silang mag-inuman sa bar at muli na naman akong hinila ni Maurice. Hinayaan ko na lang siya. Sa edad kong 22, ngayon ko pa lang mararanasan ang mga bagay na ito kaya gusto ko ring subukan.
Marami kaming magkakasama, almost buong klase. Pagpasok pa lang sa loob ng bar ay parang gusto ko nang umuwi. Friday ngayon kaya siguro sobrang daming tao. Malakas ang sound system na maging ang dibdib ko ay tumatambol. Kita ko ang mga bumabahang alak sa mga table. At marami rin ang mga hindi ko alam kung nasasayaw o nagwawala na ba sa gitna.
Napalunok ako. Hindi ako sanay sa ganitong lugar pero dahil ayaw kong isipin nila na ang KJ ko na naman kaya hindi ko pinahalata na hindi ako sanay.
Ilang table ang inokupa namin. Habang ako ay nagmamasid sa paligid ay nagulat ako nang magsimula nang bumaha ang alak sa paligid.
“It’s my treat today. Kaya magpakalasing tayo dahil sa wakas graduate na tayo! Hooo!” malakas na saad ni Josh habang may lamang bote ng beer at nakataas ang isang kamay.
Nagsigawan naman ang iba kong kaklase habang ako ay awkward na ngumiti at pumalakpak na lang upang makisabay sa kanila.
“Here.” Inabot sa akin ni Maurice ang isang drinks na nasa mataas na kopita. “Mojito for you.”
Tinitigan ko muna iyon pero ginalaw niya ang kamay para sabihing kunin ko kaya wala akong choice kundi tanggapin ang alak.
Sumimsim ako, medyo mapait iyon kaya napangiwi ako. Pero ang mga kasama ko, parang tubig lang kung makainom. Meron mga hard drinks pa ang iniinom nila lalo na ang mga lalaki, habang ang iba naman ay gaya ko na ladies drinks lang.
“I know, hindi ka sanay. Pero come on, Elara. We are adult now. Sometimes, you need to experience something new,” saad sa akin ni Maurice.
“I agree,” saad naman ni Faye na nasa right side ko. “Look at Weymar. He obviously likes you, pero dahil Miss Prim and Proper ang tingin sa iyo ng lahat, boys are afraid to approach you. Kaya chill ka lang. Para hindi naman matakot sa iyo ang mga boys.”
Nakakatakot ba ako? Mabait naman ako. Kinakausap ko naman lahat.
“Hindi ko alam ang sinasabi mo. Hindi ko naman sila tinatakot,” sagot ko.
Dim ang ilaw ng lugar malakas pa rin ang tugtog at nagkakasayahan ang lahat. Ang hindi ko lang gusto ay ang amoy ng mga vape na naghalo-halo na. Masakit sa ilong.
“Yes, pero alam nila na mataas ang standards mo. Ikaw iyong tipo ng tao na close sa lahat, pero nakakailang ligawan dahil parang susupalpalin mo agad. Kaya nga naka-graduate tayo na hindi ka pa nagkaka-boyfriend,” saad naman ni Maurice.
“Which is good,” sagot ko naman.
Priority ko naman talaga ang pag-aaral ko. Hindi ang magka-boyfriend.
“Right.” Tumango-tango si Maurice. “But it’s boring.”
“Hindi naman lahat happiness ang pagkakaroon ng boyfriend, sakit lang iyon sa ulo,” paliwanag ko at saka muling uminom ng alak. Tikim-tikim lang ang gagawin ko dahil hindi ako pwedeng umuwing sumusuray.
Sabay na umikot ang mga mata nila dahil sa sinabi ko. Pero ngumiti lang ako at hindi na nagsalita. Magkaiba kami ng pananaw.
Nakita ko ang ibang kaklase ko na nagsasayawan na habang nagtatawanan habang ako ay tila nakadikit pa rin ang pwet sa kinauupuan ko. Iinom ako pero hindi ko kaya ang maging wild kagaya ng ginagawa ng iba. Gusto kong mapailing ng makita ko ang isang babaeng kaklase ko na dikit na dikit na ang katawan sa isang lalaki habang sumasayaw.
“Drink more,” saad ni Maurice at muli niya akong binigyan ng alak kahit hindi ko pa nauubos ang binigay niya kanina.
Pinakita ko sa kaniya ang mojito na inabot niya kanina.
“Drink it up,” utos niya.
Tumingin ako sa kaniya. Tumaas ang kilay niya na parang nag-uutos.
“Bawal ang KJ, Elera. We are here to celebrate, to have fun,” paalala pa niya kaya wala na akong nagawa at ininom ko ang mojito ng diretso bago muling tinanggap ang tequila na binibigay niya. Napangiwi ako at agad na kinuha ang isang juice na nakita ko sa table at ininom ko iyon. Medyo matapang kasi ang ikalawang alak na binigay niya. Parang humahagod sa lalamunan ko.
Hanggang sa nagsunod-sunod na ang alak na binibigay sa akin. Medyo nagiging hyper na rin ako gaya ng iba. Si Maurice ay nakita kong nasa dance floor at sumasayaw na rin kasama si Faye. Kaya tumayo ako sandali para magtungo sa cr.
Umihi lang ako at habang nakaharap ako sa sink habang naghuhugas ng kamay ay may kasabay akong dalawang babae.
“He is here, and he is hot,” kinikilig na saad ng isang babaeng parang bra na lang ang suot na top.
“I heard na aalis na raw ulit siya. Gusto ko sana siyang pabaunan ng experience na hindi niya malilimutan,” wika naman ng kasama nito habang naglalagay ng lipstick.
“Huwag kang selfish, nauna ako sa kaniya. Akin siya ngayong gabi,” malanding saad ng babae.
“Well, tingnan natin. Ako ang mag-uuwi kay Alexander ngayong gabi,” palabang sagot naman ng isa.
Lumabas na ako habang napapailing. Mukhang iisang lalaki lang ang gusto nila. Sino naman kaya ang Alexander na iyon at grabe kung pagnasaan ng dalawang babaeng iyon?
Nang bumalik ako sa table ay agad na hinila ako ni Maurice.
“Akala ko saan ka na nagpunta,” saad niya sa akin. Napatingin ako sa table. Malinis ang gitna noon at may isang bote lang.
“Elara, sit and join,” saad ni Cheska, isa sa mga kaklase ko.
Nagtatakang tumingin ako sa kanila.
“Dare game. Ibig sabihin, kung sino ang matapatan ng nasa ulo ng bote, siya ang mag-uutos at ang matapatan naman ng bottom ang siyang gagawa ng dare,” paliwanag ni Heljen.
Bigla akong kinabahan sa laro nila. Ang alam ko lang ay truth or dare, pero sa larong gagawin namin. Parang wala kang choice kundi sundin ang iuutos sa iyo.
“Paano kapag ayaw gawin ang dare?” tanong ni Nancy.
“May consequence. Kapag hindi or ayaw gawin ang dare, tatanungin siya ng dalawang truth,” nakangising sagot naman ni Condrad ang isa sa maloko kong ka-klase.
“No, ayokong sumali, ang daya naman,” reklamo ni Ella.
Para kasing walang lusot sa dare dahil sa consequence.
“Ngayon lang ito. Huwag kang Kj, pagkatapos ng gabing ito, magkakawatak-watak na tayo, kahit mag-reunion tayo, malabong makompleto ulit tayo, kaya let’s make this night memorable,” wika naman ni Sanya. Maraming sumang-ayon sa kaniya kaya hindi na ako nagsalita kahit ayaw ko rin sumali.
Madami naman kami, hindi naman siguro matatapat sa akin ang bote.
“Okay, game!” saad ni James at siya na ang unang nagpaikot ng bote. Napalingon naman ako sa katabi ko na si Kloe nang bigyan niya ako ng ladies drink kaya ngumiti at nagpasalamat ako sa kaniya.
Hindi ko masasabing close friends ko ang mga kaklase ko, pero kasundo ko naman sila lahat. Si Maurice, naging close kaming dalawa dahil partner kami sa Thesis namin.
Unang tumapat ang bote sa kaklase kong si Kazel, mahiyain ito at ang dare sa kaniya at hingin ang number noong lalaking nakaupo sa may bar counter. Nakangisi ang lahat habang si Kazel ay hindi alam kung paano lalapit sa lalaki, pero nagawa rin naman niya ang dare pero pulang-pula na siya nang bumalik.
Pero habang tumatagal ang mga dare, parang nagiging wild ang pinapagawa nila. Gaya na lang ng lap dance na pinagawa nila kay Lance at sa bodyshot na ginawa ni Veena.
Tahimik lang ako sa kinauupuan ko at nanalangin na sana huwag tumapat sa akin. Dahil baka kung ano ang ipagawa nila. More than twenty kami, twenty three to be exact kaya sana huwag matapat sa akin.
Muling umikot ang bote hanggang sa unti-unti iyong bumagal, pero unti-unti ko ring nahihigit ang hininga ko hanggang sa mariin akong mapapikit nang tila hindi dininig ang panalangin ko.
Nagsigawan sila nang huminto ang bote sa tapat ko. Sa akin nakatapat ang top at kay Yosef naman ang bottom.
Humawak pa si Yosef sa baba niya habang tila nag-iisip ng dare. Saka siya ngumisi sa akin.
Napalunok naman ako.
“Kiss the guy you find attractive,” biglang saad nito na muntik nang ikalaglag ng panga ko.
“Ha?”
“Look around, and find the most attractive man for you. Kiss him,” muling saad niya.
Umikot ang mga mata ko sa mga kaklase ko. Parang bigla akong nasa hot seat ngayon.
Mariing kinagat ko ang labi ko.
“Hindi pa pwedeng iba na lang?” request ko pa.
“Just kiss someone, Elara. Kahit dampi lang, hindi naman kailangan torrid,” sulsol pa sa akin ni Faye. “Just for fun.”
For fun. Para sa kanila, katuwaan lang ang humalik ng isang tao. Pero nakatuon ang atensyon sa akin ng lahat kaya tumayo ako bigla.
“Ohhh,” saad pa ng ilan.
Bahala na. First kiss ko ito. Pero dahil sa lintik na dare, mawawala na lang siya bigla.
“Drink this. Pampalakas ng loob.” Inabot sa akin ng kaklase kong si Karol ang isang shot ng alak na agad kong ininom ng diretso.
Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid. I need to find the most attractive man, para naman hindi sayang ang first kiss ko. Hanggang sa makita ko ang isang lalaking nakaupo sa hindi kalayuan. May hawak siyang alak at may dalawang lalaki siyang kasama.
Naka-side view lang siya sa gawi namin pero parang ang lakas ng dating niya. Side view pa lang niya halatang gwapo na siya dahil sa matangos niyang ilong. Halatang matangkad siya kahit nakaupo at mukhang hindi siya Pinoy.
“Just a kiss,” bulong ko bago ako humakbang papalapit sa kaniya.
Huminto ako sa harap niya at natigilan pa siya nang tumingin sa akin.
“Sorry, dare lang,” saad ko at mabilis na hinawakan ang magkabilang pisngi niya bago ako pumikit ng mariin at pinagdikit ang mga labi namin.
Pero nang lalayo na ako sa kaniya ay bigla niyang hinawakan ang batok ko at hinila ako papalapit sa kaniya kaya nawalan ako ng balance at napaupo sa kandungan niya. Kasabay noon ay bigla niya akong hinalikan ng mariin at dahil sa gulat ay nanlaki na lang ang mga mata ko.
Naramdaman kong kinagat niya ang ibabang labi ko kaya napakislot ako at sinamantala niya iyon para ipasok ang dila niya. Sinubukan kong lumayo sa kaniya pero hawak niya nang mariin ang batok ko kaya hindi ako makalayo.
Ramdam ko ang dila niya sa loob ng bibig ko parang hinihigop na niya ang mga labi ko dahil sa lalim ng halik niya. Tinulak ko siya sa balikat niya pero hindi siya natinag kaya kinagat ko ang labi niya. Saka pa lang niya ako pinakawalan.
“Sweet,” saad niya habang nakangisi sa akin.
Mabilis naman akong tumayo sa kandungan niya nagmamadaling bumalik kung nasaan ang mga kaklase ko na nakangisi ng malaki sa akin ngayon.
Alanganing ngumiti ako bago ako muling naupo.
“Elara, that was hot!” hyper na saad ni Maurice.
“And he was hot!” saad naman ni Faye at tumili sila na parang kinikilig habang ako naman ay kumuha ng tissue at pinahiran ang labi ko.
“Kung ako iyon, hindi lang kiss ang gagawin ko,” rinig ko pang Aira, ang isa sa mga kaklase ko na sexy kung pumorma.
“Dapat kinuha mo ang pangalan,” ani pa nila sa akin pero umiling na lang ako.
Binasa ko ang labi ko.
Dampi lang ang balak ko pero hindi ko inaasahan nag gagawin ng lalaki na para bang gusto na niyang lamunin ang buong bibig ko.
Muli akong lumingon sa gawi ng lalaki, pero parang walang nangyari na nakikipag-usap ulit siya sa mga kasama niya.
Pakiramdam ko ramdam ko pa ang labi niya sa mga labi ko kaya mariing pinaglapat ko ang mga labi ko.
He is my first kiss. Not bad.