GAYA ng inaasahan ni Ailyn ay nagkagulo na naman ang press at netizens dahil sa paglabas ng video at mga larawan ni Riki na nakikipag-away sa club. Ang mas matindi pa ay may mga nakakuha rin ng larawan ng binata nang pumasok sila sa police station. Bukod doon ay tila nagtulungan pa ang mga nakasuntukan ni Riki na nag-post sa mga social networking site ng tungkol sa nangyari. Lumabas na lasing na lasing si Riki at ang binata ang nagsimula ng gulo. Ayon sa mga lalaki ay pinrotektahan lang ng mga ito ang mga sarili sa p*******t ni Riki. Kahit na alam ni Ailyn na may katotohanan ang mga sinabi ng mga lalaki ay masyadong exaggerated ang pagkakakuwento ng mga ito. Lalong sumama ang tingin ng mga tao kay Riki. At dahil may pasa pa ang binata sa mukha ay hindi pa pinayagan ni Jeremy at ng m

