Napakurap si Riki at tiningnan si Bona pero walang salitang lumabas sa mga labi niya. He just couldn’t bring himself to say what the reason was. Ang kaalamang binabastos ng mga lalaking iyon si Marietta, kahit pa sabihing matagal na silang hindi nagkikita ng babae ay nakakapagpawala ng kontrol ni Riki sa sarili. She didn’t deserve it. “Away lasing lang iyon, Bona. Alam mo naman ang mga lalaki kapag nalasing mabilis magkapikunan,” sabad ni Ailyn kaya napatingin uli si Riki sa dalaga. Nagtama ang mga mata nila nang tingnan din siya nito. Tila may sumuntok sa sikmura ni Riki nang may makita siyang kung ano sa mga mata ni Ailyn. She knew. For an inexplicable reason the realization made him feel guilty. Mayroon ding nagtutulak sa likod ng isip ni Riki na magpaliwanag kay Ailyn kahit kung tutu

