Hindi inalis ni Ailyn ang tingin sa mukha ni Riki. Nagtama ang mga mata nila ngunit hindi na nagsalita pa ang binata. Marahil ay hinihintay nitong siya naman ang magsalita. Sandaling nagdalawang-isip si Ailyn kung isasatinig ba niya ang tanong na kanina pa niya gustong sabihin kay Riki. Pero dahil nagkuwento na ang binata ng tungkol kay Marietta ay nagbaka-sakali na siyang sasagutin din nito ang tanong niya. “Bakit kayo nag-break?” marahang tanong ni Ailyn. Mukhang inaasahan na ni Riki ang tanong niya dahil hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ng binata. “Hindi kami nag-break.” Alam iyon ni Ailyn. “Bakit kayo magkahiwalay ngayon?” Nagkibit-balikat si Riki at dumeretso nang tayo. “She wants space and time alone.” Napakunot-noo si Ailyn. Ilang taong “time” ba ang kailangan ng babaeng iy

