WINDANG. Iyon ang nararamdaman ni Ailyn nang walang sabi-sabing hinalikan siya ni Riki sa mga labi. Sandali lang iyon at hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makapag-react dahil inakbayan na siya ni Riki at inakay palapit sa kapatid niya. Tinulungan nila si Anton na makatayo nang maayos. Iniabot ni Jeremy ang isang attache case na alam ni Ailyn na naglalaman ng pera sa pinagkakautangan ni Anton. Pagkatapos pumirma ng pinagkakautangan ni Anton sa papeles na dala ni Jeremy na hindi niya alam kung paano nito nagagawa nang mabilis ay parang walang ginawang pagbabanta na nagpaalam sa kanilang lahat ang lalaki. “Aalis na kami. Mahirap na baka bigla kayong tumawag ng pulis.” Iyon lang at umalis na ang mga lalaki. Ang dalawang may hawak kay Ailyn kanina ay tinulungang buhatin ang mga kasamahan

