Part 30

1666 Words

ANG bilis namang nakalayo ng babaeng `yon. Frustrated na napabuga ng hangin si Riki habang nagmamaneho patungo sa apartment ni Ailyn. Ganoon ba siya katagal naestatwa nang tumakbo palayo ang dalaga na hindi na niya ito naabutan pa? Inapakan ni Riki ang silinyador ng kotse para bumilis iyon nang mapansin niyang malapit na siya sa apartment ni Ailyn. Bumilis ang t***k ng puso niya. Mahigpit niyang hinawakan ang manibela sa nanginginig na mga kamay. Bigla siyang kinabahan na makita at makausap ang dalaga. Nanlaki ang mga mata ni Riki at awtomatikong napapreno nang may dalawang itim na sasakyang magkasunod na umandar palabas sa kanto kung saan siya liliko. Pang-isahang sasakyan lang ang maaaring dumaan doon kaya hinintay muna niyang makadaan ang mga iyon bago uli niya pinaandar ang kotse n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD