Tila isang bombang sumabog sa harap ni Riki ang sinabi ni Ailyn. Kahit kanina pa iyon sinabi ng dalaga ay tila naririrnig pa rin niya iyon. Mahal ko siya. Riki felt an ache in his stomach, a delicious type of ache. The same ache one felt whenever one’s body was filled with desire. Kung nasa iba sitwasyon lang sila ay baka nakaramdam siya ng saya—matinding saya. Yes, that feeling of joy was, in fact, starting to crawl along his skin. Pero bago pa iyon maipakita ni Riki ay bigla na lang tumakbo si Ailyn. Iniwan siya nitong tulala at wala sa sarili. Kaya nataranta siya nang makitang malayo na sa kanya ang dalaga. Mabilis siyang kumilos para habulin si Ailyn pero nakakaisang hakbang pa lang siya ay naramdaman na ni Riki ang mahigpit na paghawak ni Marietta sa braso niya. Napatingin siya sa da

