NAGISING si Ailyn kinabukasan na mabigat ang katawan ngunit masarap naman ang pakiramdam. Lalo na nang magmulat siya ng mga mata at ang unang nakita niya ay ang nahihimbing na mukha ni Riki. Hindi siya kumilos para huwag itong magising. Nakapatong kasi ang braso at binti ni Riki kay Ailyn kaya alam niyang magigising ito kapag gumalaw siya. Pinagmasdan ni Ailyn nang matagal ang binata. Hanggang sa humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Kasunod niyon ay ang marahang pagmulat ng mga mata ng binata. Nginitian siya ni Riki nang magtama ang mga mata nila. Pagkatapos ay hinigit siya ni Riki palapit sa katawan nito at ginawaran siya ng masuyong halik sa mga labi. “Good morning,” paos na sabi nito. Napangiti si Ailyn at hinaplos ng mga daliri niya ang mainipis na balbas sa baba ni Riki. “Ang

