GAYA ng inaasahan ni Ailyn, nahirapan silang makaalis dahil sa mga reporter na pilit silang tinatanong ng kung ano-ano. Kahit na nangako si Riki sa mga reporter na sasagutin ang lahat ng katanungan ng mga ito sa tamang panahon ay hindi kumalma ang mga reporter. Sa tulong nina Jeremy at Winnie ay nakasakay rin sila sa kotse ni Riki bago pa sila masundan ng mga reporter at lalo pang lumaki ang gulo. Pagkatapos sabihin nina Jeremy at Winnie—na kasama rin nila ni Riki sa kotse—ang direksiyon papunta sa apartment ni Bona ay lalong bumilis ang pagpapatakbo ni Riki ng kotse nito. Wala pang labinlimang minuto ay naroon na sila. Nag-park si Riki ilang bloke lang ang layo sa apartment ni Bona para daw kung sakaling naroon talaga si Marietta ay hindi mag-panic ang babae at umalis. “No! Why did you

