Chapter04

1259 Words
Pinirmahan ko na lang lahat para matapos na. May binigay din na mga gamot na kaylangang bilhin. Nag instruct din ang doctor para sa mga kailangan ng lalaking to bago umalis. Nagpasalamat na lang ako pagkatapos kahit na sa isip isip ko gusto ko nang manakal. Inutusan ko ang aking tauhan na bayaran ang bill na pinapabayad nila at tsaka pinabili ko na rin siya ng mga gamot at prutas. Muntik muntikan ko nang hindi ibigay ang card sa tauhan ko. "Miguel sabihin mo nga sa akin, sa ginawa kong to swerte ba ako or kanda malas malas," ani ko. "Ano pong ibig mong sabihin boss?" aniya naman. "Ibig kong sabihin, gusto ko nang sakalin ang lalaking yan dahil akala ko swerte na siya at mukhang santo pero hindi pala dahil tinulungan ko na nga lahat lahat ako pa ang aako sa lahat ng mga gastusin niya dito," nakabusangot ko nang pahayag. Biglang tumawa ng malakas si Miguel kaya binatukan ko siya. 'Arrrayyyy!!! Si boss naman," ika niya na nakahawak sa kanyang ulo. "Huwag kang tumawa kung ayaw mong samain sa akin," ani ko naman. "Sorry na boss nakakatawa ka naman kasi. Lubusin mo na ang pagtulong, ikaw naman boss oh!!! Malay mo mayaman pala siya di babayaran niya rin," aniya pa. "Haiiisssttt...umalis ka na nga at bumili," ani ko dito sa lalaking ito napakadaldal. Pag alis niya tiningnan ko ang lalaki na tinulungan ko. Tinitigan ko ito, gwapo pala talaga siya. Mukhang hindi siya basta bastang tao base sa kanyang hitsura. Wala pa namang update si boss kung sino ang lalaking to kaya mahirap nang magtiwala muna. Tinitingnan ko siya ng may mapansin sa kanyang kamay. Lumapit ako dito at inayos ko ang manggas ng kanyang kamay. Sabi ko na nga may something sa lalaking to ani ko. May tattoo siya pero hindi ko alam ibig sabihin. I took my phone at pinicture ko ito, pag aaralan ko to pag uwi ko. "Mukhang interesado ka sa taong yan Agent ah." ani boss Felix. Hindi ko man lang namalayan na nandito na pala siya sa likuran ko. Nagulat ako kaya napahawak agad ako sa aking dibdib. "Mala sa pusa ka talaga boss noh hindi ka man lang nagpasintabi. Mamamatay ata ako ng di oras nito," ani ko habang hawak hawak ang dibdib. "Tanggalin mo ang ugali mong yan dahil yan ang magpapahamak sayo. Dapat matalas lagi ang pandinig mo at pang amoy," seryoso nitong pahayag. "Naka concentrate kasi ako boss dito oh," pinakita niya ang tatak sa kamay ng lalaking to na kanyang nakuha. "Kahit na...kahit na sa mga bagay na ganyan, naka concentrate ka man o hindi be careful. Open your mind and be aware sa mga nasa paligid mo dahil diyan ka mapapahamak," sagot niya. Tiningnan niya ako ng deretso, hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Lagi ko tong inaasar at nagkakapikunan kami minsan pero sa ganitong bagay hinding hindi ko siya matatalo. Lagi niya akong pinasasabihan sa mga kamali ko kahit na sa konting kamali man lang pero tama naman siya lagi kaya nga gustong gusto ko siya. "Sorry boss, that won't happen again ang I will bear that in my mind," seryoso do ding sagot. "You have to," aniya sabay buntong hininga. Kinuha niya ang aking cellphone at tumingin sa kamay ng lalaki. Pinag aralan niay rin to pero ng hindi makuha ang tamang sagot kinuha ang kanyang cellphone at sinabi sa akin na ipadala ito sa kanya. Siya na daw ang bahalang mag search nito. "Boss alam niyo na po ba kung sino siya," tanong niya sa kanyang boss. "Wala pa, mukhang mahirap i-trace ang taong to. Hindi pa dumating ang taong inutusan ko para imbistigahan ang taong ito. Sa ngayon hindi muna siya pwedeng ma expose at baka ma alert ang mga kalaban niya. He will stay here and I will provide protection for him," ani boss an ikinataas ng kilay ko. "Kung ganon boss kaylangan ko nang umalis at umuwi. May pupuntahan pa ako," aniya. "Ok go..balitaan kita kapag may nasagap ako tungkol sa kanya and don't forget what I have told you. Ayoko nang mangyari ang nangyari kanina. Train yourself while wala ka pang ginagawa, gusto kong may improvement ka na bago kita isalang muli," paliwanag niya. "Ok boss I will do that po," ani ko bago umalis. Napapangiwi ako kay boss, napaka strikto talaga niya isang kamali lang mag ensayo na agad.Napakarami ko pang narinig na sermon ani ko sa aking isipan habang naglalakad paalis sa hospital. Nag message na lang ako kay Miguel na ibigay kay boss ang gamot na pinabili ko. Inutusan ko ding umuwi na rin pagkatapos nito. Pagdating ko sa bahay sa gilid ng gate ako huminto para hindi ako makita nina Mang Jing at Kuya Ben. Tumingin muna ako sa mga paligid at wala namang mga taong dumadaan kaya pa simple akong dumaan sa gilid ng bakod sa alam kong walang nagagawi doon at ng ok na ang lahat tinalon ko yun papasok sa bahay. Nakatingkayad akong lumakad papasok hanggang sa makarating ako sa aking kwarto ng walang nakakaalam or halata man lang. Amoy dugo kasi ako at may mga dugong natuyo sa aking kasuotan, ayokong magtaka sila sa akin or matakot man lang kaya ingat na ingat ako. Dumiretso ako sa aking banyo pagkapasok ko dito, tinanggal ko lahat ng aking damit at nilagay sa basurahan. Binalot ko muna ito para hindi makita or mahalata ng aking mga kasambahay bago naligo ng tuluyan. Napangiti ako sa sarap ng tubig na dumaloy sa aking katawan. Sa aking pagligo naalala ko na naman ang mukha ng lalaking natulungan ko kanina. Sinabi ni Boss na hindi daw niya ito ma trace kaya nagtataka ako kung bakit may pumipigil dito na paimbistigahan. Impossible na hindi makuha ni boss ang katauhan ng lalaking to dahil magaling ang mga hacker niya. Nasa amin ang pinaka latest na teknolohiya sa buong mundo. Hindi naman ibig sabihin na kami lang pero sa mga taong matataas lang ang meron nito, sa mga hindi basta bastang tao. Hindi kaya isa itong mafia, ani ko sa aking isip pero imposible naman. Alangan naman na iiwan nila ang kanilang boss or hindi hahanapin. Hindi basta basta ang mafia ani naman ng isang bahagi ng aking isipan at tsaka sa gwapo niyang yun, hindi yun ganon sa isip isip ko naman. Pagkatapos kong naligo dumiretso ako sa secret room ko dito sa aking kwarto at kinuha ang aking cellphone para pag aralan ang kinuha kong picture sa kanyang kamay. Iimbestigahan ko ito ani ko, nagsimula akong pag aralan ito. Halos tatlong oras ko itong sinearch hanggang sa lumabas naman sa aking imbestigasyon na ang tatak na yun ay tatak ng isang sundalo. Mukhang isa siyang sundalo sa gwapo niyang yun, isa lang siyang sundalo ani ko. Ipagpapatuloy ko pa sana ang pag search ng bigla kong makita sila Aling Nita at Aling Conching na papunta dito. Nakita ko sila sa CCTV camera, tatawagin na raw ako at kakain na. Napatingin ako sa aking orasan at napasinghap ng makita kong mag aalas dos na pala. Dali dali akong lumabas, mamaya ko na balikan ito. Kaya pala nahihilo ako dahil sa gutom, bakit nga pala trabaho na naman ang iniisip ko samantalang rest ko nga pala ito. Nag ayos ako ng sarili at kunyaring kagigising ko lang ng lumabas ako. "Ayan na pala si Angel at kagigising lang. Kaya naman pala hindi sumasagot sa mga katok ko kanina," ani Aling Conching. "Halika na hija at kumain na tayo. Kanina ka pa namin hinihintay," ani naman ni Aling Nita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD