Chapter03

1320 Words
Tumingin ako sa buong paligid at wala naman akong nakita, pumasok ako sa banda pa roon at alam kong may tao roon. I have this instinct na may nangyayari doon, walang takot kong pinasok ang isang maliit na eskinita dito na sobrang dilim pa. Tinunton ko ang ungol kung saan ito naroroon hanggang sa mapahinto ako dahil may nakita akong isang tao sa gilid nitong eskinita na ito. Tumingin ako sa buong paligid pero wala naman akong nakitang mga kasamahan niya. Pinag aralan ko muna ang eskinitang ito at baka may nakatagong mga patibong. Napatingin muli ako sa taong umaray, mukhang may tama siya base sa mga pinapakita niya at lalo ko pang pinag zoom ang aking suot na glasses. Gusto ko kasing makita ang mga sugat niya. Nang ma zoom ito nakita ko ang buong mukha niya at katawan, clear nga na may tama siya ng baril. Yun ang iniinda niya ngayon. Mukhang maraming dugo na ang nawala sa kanya dahil sa mga umaagos na dugo sa kanyang paanan. Nakita kong may tatlo siyang tama isa sa balikat, tagiliran at sa may legs. Tinititigan ko siya at pinag aaralan ng biglang magsalita ang aking boss. Nakalimutan ko pala na with camera ito kaya nakikita niya rin ang mga nakikita ko. "What are you still waiting "Agent Saint"? Ang bansag sa amin ni Boss Felix. "Saint saint saint..nakakainis," ani ko. "Ayaw mo nun, unique ka...walang makakaalam sa kung sino ka kaya tanggapin mo na lang. Now back to this guy...Zoom mo pa sa kanyang mukha mag foucus ka doon dahil gusto kong malaman kung sino siya," ani ng magaling kong boss. "Ok now, nakuha ko na ang buong mukha niya. Wait a second," aniya alam kong sini-search niya na ito hanggang sa mag pop out sa kung sino siya. "Hhhhmmm...mukhang may pumipigil sa pag search ko sa kanya...Ayaw i-access, mukhang importanteng tao yan SANTA kaya tulungan mo na bago ka pa maabutan ng liwanag diyan," aniya. "Ok boss," sagot ko naman na napapabuntong hininga. "Who are you?" tanong ng lalaki. Don't come near me," aniya na naman. Mukhang naghahalucinate na ata ito. "Agent Saint bilisan mo at mukhang hindi na yan aabutan pa ng buhay sa hitsura pa lang niya," sabat na naman ng abnormal kong boss. "Ok ok...ako nang bahala dito boss," ani ko at walang babalang hinatak ito. Napakapa ako sa kanyang katawan at napangisi ng mapansing mukhang hot ang lalaking to. May hitsura din at mabango kahit na puro dugo na siya. "Huwag mo nang pag pantasiyahan pa yan dahil hindi kayo bagay," kontra na naman ng aking boss. Naalala kong naka suot pa pala ako ng glasses at sa pagka hightech ng gawa nito pati nasa isip mo mababasa niya. "Damn s**t," mura ko at walang babalang tinanggal ang glasses na suot ko. Total alam ko naman na ang pasikot dito kahit na madilim pa lang. Naaral ko na agad dahil sa glasses kanina. "Nakakainis si boss talaga kahit kaylan," bulong ko. Paglabas ko sa eskinitang ito nasa labas na rin ang resuer na padala ni boss. Malaki ang katawan ng lalaking ito pero sa katulad kong batak na sa pagbubuhat, isang kamay lang ang ginamit kong pagbatak sa kanya naitayo ko agad at inakay palabas. Halos lahat ng bigat niya nasa akin na rin kaya medyo nahirapan ako sa pag akay palabas. Sa liit ko ba namang to na halos 1/3 lang ata sa laki ng katawan ng lalaking to and take note matangkad pa siya. "Sino ka? Tulungan mo ako-"hindi ko na siya pinatapos at pinatulog ko na lang para tumigil na. Kinuha siya ni Boss Felix ang aming boss. May kanya kanya kaming mga boss dito sa pagiging agent namin. Hindi lang naman sa grupo ni Boss Felix ang agent dito sa bansa may mga kasmahan pa sila pero hindi namin alam dahil silang mga big bosses lang namin ang nakakaalam at para na rin daw sa aming mga kaligtasan. Siya ang tumulong sa amin noong mga maliliit pa lang kami kaya malaki ang aming utang na loob sa kanya. Kakapasok niya pa lang noon bilang isang agent ng ating bansa, pinasok siya ng kanyang ama dahil gusto ng kanyang ama na siya ang susunod sa yapak nito. Felix Shade ang kanyang gamit na pangalan pero ang tunay niyang pangalan ay Felix Bautista Shade. He is the 4rth son of Mr. Alexander Shade and Shiena Bautista. Isa silang family agent na nagmula sa pinaka ninuno nila. Magagaling silang lahat, magaling din sila sa mga business. Makapangyarihan sila. "Boss, uwi na ako ikaw na ang bahala diyan kay Mr.Pogi at kung magbibigay man siya ng pabuya huwag mo sana akong kalimutan," nakangiti kong sabi sa kanya. "Huwag kang ngumiting aso diyan dahil may kasalanan ka pa sa akin," sagot naman niya. "Ang lakas talaga ng tama ng matandang to palibhasa'y tumatanda na," ani ko naman na narinig pala. "Pumunta ka ngayon sa opisina ko," sigaw sa akin ni Boss Felix. "Naku, Angel hayan na ang matanda. Tumakbo ka na," pahayag ko naman sa aking sarili na narinig pala ng mga kasamahan namin. Tumatawa silang lahat including Boss Jade. Naghabulan kaming dalawa sa hallway ng building na to. Building ng aming opisina. Ayoko namang pahuli sa kanya dahil baka black eye na naman ang abutin ko. Baka piringan ako at ilagay sa ring, naku mahirap na. "Halika dito SANTA, huwag mo akong galitin," ika niya na naman. "Ayoko nga, mahirap nang magpahuli sayo at baka kalbuhin mo ako. Mahirap nang mahuli ng isang matanda. Naku Boss sinasabi ko sayo, mag asawa ka na para hindi ka lagi high blood araw araw. Tumatanda ka tuloy na paurong," sigaw ko din sa kanya. Tumatawa silang nanunuod sa amin, hanggang sa nakita kong paparating dito si Ma'am Evelyn. Alam kong may gusto siya dito kaya dito ako sumulpot. Tumakbo ako sa kanyang likod at nagmakaawang tulungan ako. "Ma'am Evelyn help. Boss Felix wanna kill me"....ani ko na sinangga siya kay Boss Felix dahil nakarating na siya sa amin. "Come here Angel," aniya. Kapag ganun na ang tawag sa akin alam kong galit na siya kaya lalong kumapit ako kay Ma'am Evelyn na huwag ako ibigay. Magaling din ang isang to, lahat ng nakakapasok dito mga magagaling lahat. Hindi ka pwedeng makapasok dito kung hindi ka qualified. "Let her go...ang tanda tanda mo na pumapatol ka pa rin sa bata," ika naman ni Ma'am Evelyn at biglang hinawakan ang tenga saka piningot ito. "Array, love naman masakit kaya," ika naman ng isa. Tumatawa kami dahil isang salita lang ni Ma'am Evelyn tiklop siya agad. "Love love bin mong mukha mo," ani naman ng isa. Pinapanood namin siyang hila hila ni Ma'am Evelyn papuntang elevator. Natatawa akong nag flying kiss pa sa kanila bago lumabas na. Napa pilig ako sa aking ulo ng biglang may tumawag sa akin. Siya daw ang doctor na nag opera sa lalaking niligtas ko. Pinapapunta ako doon at kaylangan daw ng pirma ko. Hindi daw nila kilala yung tao kaya ako na lang daw ang pupunta doon. Nagtaka ako kung bakit ako ang nilagay na number ni boss imbes na yung number niya. Mautak talaga ang lalaking yun, ayaw gumastos. Napakamot tuloy ako ng ulo sa nalaman. Tinawag ko ang isa kong kasamahan na samahan ako sa hospital. Day off din nila ngayon at ayoko sana silang istorbohin pero dahil sa nagpakita ang isa sa kanila dito kaya sinama ko na. Nasa misyon din kasi ang mga kaibigan ko kaya wala akong makausap sa ngayon kundi sila. Pagdating namin sa hospital dumiretso agad ako sa kwarto ng pasyente. Kalilipat lang daw nila ito sa kanyang kwarto dahil katatapos lang ng kanyang operasyon. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng bigla itong bumukas at lumabas doon ang doctor. Kinausap niya ako at pinapirma, sinabi daw ni Boss na ako na daw ang bahala sa lahat. Hinayupak na matandang yun, inasa na lahat sa akin ani ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD