18 YEARS AFTER
Napabalikwas ako at nagising bigla, napahilamos ako ng mukha ng mapanaginipan ko na naman ang bangungot na iyon. Ang nakaraan namin ni Maya, sa tuwing natututlog ako laging to ang aking napapanaginipan. Kaya lagi akong nagigising ng maaga at nag eensayo ng madaling araw dahil sa tuwing yun ang napapanaginipan ko hindi na ako nakakatulog pang muli.
It's been 18years past...me and my sisters already 23 years old. Sa taong nagdaan na yan hanggang ngayon wala pa kaming balita sa aming bunso. Napakaraming mga sakripisyo ang ginawa namin para makamit ang aming kinalalagyan ngayon. Napabuntong hininga ako dahil kung ano ano na naman ang pumapasok sa aking isipan. I check the time, already 4am in the morning. Inaantok pa ako pero hindi ko na magawang matulog. Tumayo ako at nagpunta ng banyo upang mag hilamos at mag tooth brush. Nagpalit ako ng tight leggings at isang loose shirt sabay suot ng rubber. Tinali ko pataas ang aking buhok at kinuha ang aking cellphone bago bumaba.
Iikutin ko na lang muna ang buong subdivision na to. Nakakuha ako ng subdivision dito sa Quezon City in Corinthian Gardens. Mahal ang subdivision dito, pinili ko din dito dahil tahimik at mahigpit ang seguridad ng lugar na to. Kasama ko si Maya pero dahil sa gusto niya na ring mag solo, bumili siya ng sarili niyang bahay sa San Lorenzo Village, isa ring exclusive na lugar sa Makati. Hinayaan ko na lang din siya dahil katulad ko din siyang malakas kumita ng pera.
Lagi ko na lang pinagdarasal na sana iligtas kami lagi sa kahit na anong mga kapahamakan. Mahirap mawalan ng kapatid, siya na lang ang mayroon ako ngayon kaya lagi ko siyang pinaalalahanan lagi. Nagtataka kayo siguro kung bakit kami nakapatayo ng ganitong kalaking bahay dahil parehas naming ginusto ang aming trabaho. Isa kaming agent, pinasok namin ang pagiging agent para sana hanapin ang aming kapatid at tugisin ang mga masasamang tao na nagdulot ng sobrang sakit sa amin. Gusto din naming makatulong sa ating bansa para sa kapayapaan nito. Gusto naming masuplong lahat lalo na ang mga sindikatong halang ang kaluluwa.
Isa pang rason kung bakit ginusto ko din na maging isang agent ang aking kapatid ay para mailigtas niya ang kanyang sarili sa lahat ng mga kapahamakan. Hindi biro ang naangyari sa amin kaya sinanay ko ang aking sarili at ng aking kapatid na maging matatag at kayang lumaban sa mga sakunang darating. Lalo na sa mga taong walang puso at mamatay tao gaya nila Kuya Bogart na hanggang ngayon ay tinutugis namin.
Hindi naman alam kung anong nangyari sa kanila noon pero umaasa ako na balang araw mahahanap ko din sila and that time gusto kong malakas na malakas na ako. Kaya ko na rin silang patumbahin sa araw na yan. May isang lingo akong bakasyon ngayon kaya puro pahinga lang ang aking ginagawa, next week back to work na naman at pagod pagod na naman kami nito. Halos hindi na rin kami magkita ng aking kapatid dahil sa daming trabaho na naatang sa amin.
Nasa isang misyon ang aking kapatid ngayon, nasa Visayas siya dahil doon ang binigay sa kanyang misyon na dapat niyang gampanan. Katatapos lang din ng aking misyon kaya pahinga muna ako, katatapos ng isang nakakatakot na misyon. Ayoko sanang tanggapin ito pero tinapalan ako ng malaking pera ng aming boss kaya kahit na mahirap tinanggap ko. Sayang din kasi ang kikitain ko, may gusto akong ipatayong business kaya lahat ng ipatrabaho sa akin pinapatos ko.
Kulang pa ang ipon ko. Inaaya ako ng dalawa kong kaibigan na magpatayo ng isang French cuisine sa Makati, sa tabi ng Ayala mall. May business na kaming foot and massage spa at may apat na itong branch. Isa sa Ayala Mall, sa Sky Theatre sa Valenzuela, isa din sa SM City sa Quezon at sa Robinsons Galeria. Lumabas ako at nagsimula nang magpapawis, umikot ikot ako dito ng ilang beses hanggang sa mapadpad ako sa gate sa may entrance. May mga bantay kasi dito, rotation sila...Kumaway sila sa akin ng makita ako, sumenyas ako sa kanila na lalabas muna ako.
"Mag iikot lang ako sa banda diyan," ani ko. Nagtinginan silang dalawa at mukhang nag aalangan na palabasin ako.
"Ma'am, nakakatakot po sa labas ngayon. Marami pong mga nababalitaang namamatay diyan sa labas," ani ng isang guard.
Ngumiti ako sa kanila at sinabihan na huwag mag alala sa akin at kaya ko naman ang aking sarili. Wala silang nagawa ng ipilit kung lumabas, ayaw talaga nila akong palabasin pero nagpumilit ako. Napangiti ako ng makitang nag aalala silang dalawa. Bale walo ang guard namin dito, apat ang nakatala dito rotation sila dalawa sa umaga at dalawa din sa gabi. Ganoon din sa isang gate sa kabila, bawal pumasok ang hindi kakilala.
Lumabas ako at nagsimula ng tumakbo, binabalak kong pumunta sa isang parke malapit dito. Dinaraanan ko ito sa tuwina kaya alam ko na rin ang mga pasikot sikot dito. Ilang beses na rin akong nag jojogging dito, mostly mga nahuhuli ko ay ang mga estudyanteng matitigas ang mga ulo na nakikipag lampungan sa kung saan saan na lang.
Napansin ko kanina ang guard namin na mukhang may kinakakatakutan sa lugar na to dahil sinabihan pa akong huwag pumunta dito na sa kabila na lang daw ako mag jogging. Gusto kong makita kung anong meron dito kaya habang tumatakbo kunyari naka headset ako pero wala yung sound kumbaga props ko lang siya para makasagap ng mga balita sa aking paligid.
Umikot ikot ako dito pero wala naman akong napansing kakaiba at wala naman akong naramdaman. Huminto ako at uminom ng tubig na dala ko pero bigla akong nabilaukan dahil sa putok na umalingawngaw malapit lang sa akin. Umuubo akong dumapa ng makarinig ako ng mga yabag na nanggagaling sa kabilang eskinita. Wala naman akong makita kaya dahan dahan akong lumapit doon sa medyo may kadiliman. may nakita akong nagtatakbuhan na mga may hawak ng baril.
"Hanapin ninyo, nandiyan lang yan" ika naman ng taong mukhang lider nila. Pinag aralan ko muna sila at alamin kung ano yung hinahanap nila pero hindi ko nalaman dahil biglang may tumawag sa pinaka lider nila at sinabing kaylangan na nilang umalis. Hindi ko naman sila mamukhaan dahil naka takip sila sa kanilang mga mukha. Pero napag aralan ko ang kanyang kaubuuan, hindi naman ako pwedeng lumitaw na lang at sumabak ng p*****n sa kanila dahil hindi ko pa sila kilala.
Hinintay ko silang umalis bago lumitaw sa aking pinagtataguan. Lumapit ako sa kanilang kinatatayuan kanina at tumingin ako sa buong paligid kung may mga palatandaan ba sa kanila pero wala naman akong nakita. Napabuntung hininga ako at nagpatuloy na lang sa pagtakbo. Babalikan kita bukas, ani ko sa aking isipan. Tumakbo pa ako sa banda roon hanggang sa mapadpad ako sa isang madilim na parte nitong lugar na to.
Nakarinig ako ng isang ungol, tinanggal ko ang aking headset at pinakinggang muli. Dahan dahan akong naglakad papasok sa isang eskinitang madilim. Huminto ako at sinanay ang aking mga mata sa dilim. Wala naman akong nakita at naramdaman pa kaya nagkibit balikat ako. Baka guni guni ko lang yun ani ko at nagsimula nang umalis doon ng biglang makarinig muli ako ng isang ungol na mukhang nahihirapan kaya dahan dahan akong pumasok at nag matyag. Tuluyan na akong pumasok sa dilim at lumapit sa umuungol hanggang sa makarinig ako ng humihingi ng tulong malapit dito.
"Tulong...tulungan niyo ako," ani ko bulong niya. Pinatalas ko ang aking pakiramdam, I took my glasses na lagi kong dala kahit saan. Kinuha ko to sa aking baywang, I do have my waist bag na laging nakasukbit sa akin. Pinaglalagyan ko yun ng mga importanteng gamit ko at cellphone.
Sinuot ko ang aking glasses at tumingin sa aking paligid. Hindi lang ito isang normal glasses kundi isang napakahalagang bagay dahil dito mo makikita lahat ng mga bagay na hindi mo makita. Kahit na sa kadiliman malalaman mo at makikita ang mga taong parating at mga dala nila. It was our important weapon na mga agent lang ang meron nito.