Chapter 1: The VIRGO GANG
— Fritzzel —
"Tita Cass, gan'yan ba talaga kabagal kumilos 'yang triplets niyong anak?" tanong ko kay tita na nagluluto ngayon.
"Hahaha. Oo, Fritzzel," sagot ni tita at saglit na sumulyap sa 'kin.
Infairness ang ganda talaga ni tita, ah. Si tito Bryan kaya nandito pa?
"Si tito Bryan po?" tanong ko. Nilagay niya muna sa plato ang niluluto niya bago niya ako sinagot.
"Isa pa 'yun na mabagal kumilos. Mag-aama talaga." Natawa naman ako sa sinagot ni tita Cass.
Ang tagal naman! Dapat pala hindi ko na sila sinundo. Nakakainis na mga 'to!
"Wala ba silang ibibilis pa tita? Iwan ko na kaya?" naiinip na tanong ko pero tinawanan nya lang ako. What's wrong with her? Nagtatanong ako, e!
"Hoy!"
Muntik na 'kong mapatalon nang may biglang humawak sa 'kin mula sa likod.
"What the f**k, Cabbry!" inis na sabi ko pero tumawa lang siya nang malakas. "Pagkatapos n'yo 'kong paghintayin dito nang ilang taon, gugulatin n'yo lang ko?" inis na dugtong ko.
"Ay, O.A." Sinamaan ko naman ng tingin si Bryle na prenteng nakaupo habang kumakain na ng hotdog. "What? 'Wag ka kasing O.A. Hindi naman kami mabagal may kabaliwang ginawa lang 'tong dalawang 'to sa 'kin." Sabay sinamaan niya naman ng tingin ang dalawa niyang kambal.
"Hey! 'Wag mo naman kaming siraan sa bessy namin," naka-pout na sabi ni Cassidy pero hindi siya pinansin ni Bryle. "Excited na 'ko sa new school natin! Wah!" tili niya na nagpailing na lang sa 'kin. Abnormal.
"Ayan! Isa pa 'yan! Kaya tayo lilipat ngayon dahil sa kalokohan ninyong tatlo! Nadamay pa tuloy ako," mataray na sagot ko. Sinamaan nila 'kong tatlo ng tingin pero inirapan ko lang sila.
"Wow lang, ha. For your information, plano mo talagang pahiyain ang principal natin noon dahil naiirita ka sa kanya! Ginawa mo lang talaga kaming kasabwat!" apela ni Cabbry.
Napatingin ako sa pinto ng kusina nila nang marinig namin ang tawa ni Tito Bryan. Isa pa 'to si tito, e. Tumatawa rin bigla. Parang si tita Cass lang. Mag asawa talaga.
"Tigilan n'yo na nga 'yan. Anong oras na, pumasok na kayo," sabi niya at lumapit kay tita Cass. "Hi, good morning, miss beautiful."
Muntik na 'kong masuka sa bati ni tito Bryan kay tita Cass.
Umagang umaga, ganito bungad.
"Yuck! Ang corny mo daddy!" natatawang sabi ni Cassidy. Hinalikan lang naman ni tito si tita.
"Ang sabi ng daddy n'yo, pumasok na tayo!" Tumayo na 'ko at isa-isa silang sapilitang itinayo. "Iiwan ko kayo o---"
"Ito na!" sabay-sabay na sabi nila at nauna pa sa 'kin na lumabas.
"Bye tito, tita! Ako na po bahala sa mga abnormal n'yong anak na nagmana sa inyo!" sigaw ko at lumabas na rin.
Sumakay kami sa kotse ni Bryle at syempre, siya ang driver. Sa likod kaming girls na umupo kaya napasimangot siya.
"Ginawa niyo pa 'kong driver," kunot noong sabi nito pero tinawanan lang siya ng dalawang kambal niya.
Kaibigan ko na ang triplets na 'to since first year highschool and now, 1st year college na kami at ngayon pa kami na kick-out. Galing 'di ba?
Nag-unahang bumaba si Cassidy at Cabbry nang makarating kami sa school na lilipatan namin. Mga excited!
Bumaba na rin ako at sumunod naman si Bryle. Magkakatabi kaming nakatingin ngayon sa gate ng bagong school namin.
"Helegria Ron University," sabay-sabay na basa namin sa pangalan ng school.
Ang chaka ng name, promise lang!
Sabay-sabay kaming pumasok sa loob at nagsi-tinginan agad sa 'min ang mga estudyante. Alam ko namang maganda talaga ako kaya dapat hindi na nila 'ko tinitigan pa nang matagal.
"Ang daming gwapo!"
Napairap ako sa bulong ni Cassidy. Si Cabbry naman ay walang imik habang pasipol-sipol pa si Bryle at kinikindatan ang mga babaeng halos manginig na sa kilig.
Playboy.
"Transferees ba sila?"
"Oo yata. Tapos ang ganda at sexy ng kasama nila. Cool!"
Muntik na 'kong mapa-flip hair sa narinig ko. Very nice compliment, dude!
"Ang gwapo, shet!" tilian ng mga babae habang nakatingin kay Bryle. Agad naman silang kinindatan ni mokong.
“Magkakasama ba tayo sa first subject?” tanong ko. Kahapon pa namin nakuha ang schedule namin matapos naming mag-enroll.
Nainis ako nang wala man lang sumagot sa ’kin dahil mga busy sila sa pagtingin sa paligid. Magkakapit kamay si Cabbry at Cassidy habang si Bryle ay busy sa pagkindat sa mga babae rito. Ang galing-galing. Napakababaero.
“Tinatanong ko kayo!” inis na sabi ko na ikinatingin sa ’kin nila Cab.
“Taray talaga. Hindi. Pinaghiwa-hiwalay nila tayo. I checked Bryle's and Cassidy's schedule and wala man lang pareho,” sagot ni Cabbry at napairap.
“Siguro dahil sa record natin,” sabat naman ni Cassidy na ikinatango ko na lang.
Nagtaka ako nang biglang nanahimik ang paligid. Nagkatinginan kami ng triplets nang mapansin naming wala nang nagtangkang magsalita pa ulit sa mga estudyanteng nakapaligid sa 'min.
"Ang VIRGO gang..." rinig kong bulong ng isa.
Mayamaya pa ay biglang nagtilian ang mga babae sa paligid nang may dumating na limang lalaki. Mga parang siga silang lumakad papunta sa direksyon namin. Kumikindat-kindat din sila sa mga babae.
Napahalukipkip ako at umirap. Guwapo nga sila at hot pero mukha naman silang mayabang at playboy. Dagdag mo pa ang mga nakataling panyo sa mga noo nila.
Mang Kepweng lang ang peg?
Tumaas ang kilay ko nang tumigil sa tapat namin ang limang chonggo. Kunot noo naman akong tiningnan ng lalaking nasa harap nila na parang leader pa nila, sabay tingin din sa mga kasama ko.
"Mga istorbo. Nawala tuloy mga babae ko." Agad kong siniko si Bryle. Daming alam nito, e.
"Hindi ko alam na may haharang palang mga chonggo sa harap namin," pagbasag ko sa katahimikan habang nakataas kilay pa rin.
"What?"
"Chonggo raw?" reklamo agad ng dalawang lalaki pero inirapan ko lang sila.
Hindi nagsalita ang leader nila at nakipagtitigan lang sa 'kin. Dahil sa katahimikan, may dalawang lalaking lumapit sa 'min— ay mali, kay Cabbry at Cassidy pala.
"Hi miss beautiful."
"Hi, babe."
Lalong tumaas ang kilay ko sa narinig ko at tinalikuran ang leader nila para harapin ang dalawang chonggo na kamukha ng pwet ng aso habang nasa harap nila Cabbry at Cassidy.
Nagcross-arm ako at magsasalita na sana pero inunahan na 'ko ni Bryle.
"Play with other girls but not with my twins," malamig na sabi niya sa dalawa. Nagkatinginan naman ang dalawang lalaki.
"Epal ka, ha!" maangas na sabi ng lalaking kulay blonde ang buhok.
"Lalayas kayo sa harap nila o sisipain ko kayong dalawa d'yan?" mataray na tanong ko kaya napaharap sila sa 'kin.
Lalo akong nairita nang tingnan nila 'ko mula ulo hanggang paa saka sila ngumisi. Hindi ko maiwasang paikutin ang mga mata ko at kagatin ang balat sa ooob ng pisngi ko.
"Gusto n’yo pa bang dukutin ko 'yang mga mata n'yong mukhang mata ng aso bago kayo lumayas d'yan?" taas kilay na tanong ko. Lalong umasim ang mukha nila at mukhang mas nainis pa sa 'kin. "What? Alis!"
Tinulak ko sila pareho.
"Transferee lang kayo pero ang tapang-tapang mo na," sabi sa 'kin ng chonggo nilang leader pero tinaasan ko lang siya ng kilay.
"So? Kailangan ba behave lang pag transferee? Sorry, ah. Hindi namin ugali 'yon," mataray na sagot ko. Napangisi sya pero seryoso akong tiningnan.
"Umayos-ayos ka ng ugali mo. Hindi mo pa kami kilala," seryosong sabi niya pero inirapan ko lang talaga sya. "Let us introduce ourselves-"
"No need. We're not interested. Right, girls? Bryle?" Tumango naman sila sa 'kin kaya nginisihan ko ang lalaki. "Alis. Dadaan kami."
"Akala mo naman kung sino ka. P'wede bang ayusin mo 'yang ugali mo? Nasa teritoryo ka namin." Napataas lalo ang kilay ko sa sinabi ng isa pang pwet ng aso na may gray na buhok.
"Ay talaga? Nasa teritoryo pala kami ng mga chonggo at aso. Ha! Ha! Ha!" sarkastikong pang-aasar ko. Napamaang silang lima at mukhang nagpipigil ng inis dahil sa pag-iwas nila ng tingin.
"Bes, tama na. Baka kung ano pang gawin sa 'yo niyan. Ang dami na nanonood, o." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Cabbry.
"Nag-eenjoy pa 'kong asarin ang mga pwet ng aso."
"f**k! Can you please stop calling us pwet ng aso at chonggo?" iritadong sabi ng leader ng mga chonggo na ikinatawa ko na lang.
"Okay, okay. Introduce yourselves," pairap na sagot ko.
"Van," pakilala ng lalaking nakausap ko. Ang leader ng mga chonggo. Matangkad siya, black lang ang buhok. Payat pero bagay sa katawan niya. Nakabukas pa ang dalawang butones ng uniform niya. Nakikita ko tuloy ang collarbone niya.
Maangas ang dating at paraan ng pagtayo niya sa harap ko— nakapasok sa loob ng bulsa niya ang dalawang kamay. Naka-chin up habang malamig na nakatitig sa ’kin.
"Iver." Ang lalaking may blondeng buhok. May earphone na nakasabit sa uniform. Hanggang balikat lang siya ni Van at mukha siyang seryosong lalaki. Kayumanggi lang.
"Rico." Ang lalaking may gray na buhok. He looks playful. Alam mo ’yung pansin mo agad na playboy siya dahil sa paraan ng pagngisi niya?
"Gail." Ang lalaking may puting buhok. I like his hair dahil gano'n din ang kulay ng buhok ko. Kung titingnan siyang mabuti ay mukha siyang matinong lalaki.
"Orvil." 'Yung lalaking kanina pa tahimik at mukhang masayahin pero mukha pa ring chonggo.
"We are the VIRGO Gang, miss."
Lumapit naman ako sa kaniya.
"Ah okay. VIRGO? Hindi naman pala nalalayo sa pangalan ng aso ko," pang-aasar ko pa kahit wala naman talaga akong aso.
At isa pa, kadiri. Zodiac sign pa talaga ang naisip nila, ha.
But I noticed na initials of their names pala ang bumuo ng pangalang 'yon. Wow, tyempo!
"Ikaw ang leader ng mga chonggo." Tinuro ko si Van.
"Ikaw si Unggoy!" Tinuro ko si Iver.
"Ikaw si doggy!" Tinuro ko si Rico.
"Ikaw si shokoy!" Tinuro ko si Gail.
"At ikaw naman si— wait.. Another chonggo na lang." Tinuro ko si Orvil.
"Okay. Kilala ko na kayo. Bye." Nginitian ko sila nang matamis at nilagpasan na. Sinundan naman ako ng triplets.
"What the f**k?"
"s**t! Hindi ako makakapayag na matawag nang gano'n!"
"Maldita siya!"
"Nananahimik ako rito pero natawag pa ’kong chonggo!"
"Abnormal ang babaeng 'yon para hindi mapansin ang kagwapuhan ko!"
Rinig kong reklamo ng mga pwet ng aso kaya umikot na naman ang mata ko. Whatever.
"Grabe ka! Mamaya abangan tayo niyon. Mga gangster pa naman," sabi ni Cassidy.
"Kahit kailan ka talaga, Fritzzel! Wala ka ba talagang kinatatakutan?" tanong naman ni Cabbry na ikinairap ko na naman.
Ako matatakot? Ha! Never.
"Tsk." Si Bryle na kanina pa tsk nang tsk. "Hi babe!" Nangunot ang noo ko nang may nahagip agad 'to na babae at agad na inakbayan. "Mauna na kayo," sigaw niya at hinila na ang babae kung saan.
Napailing na lang kaming tatlo.
Babaero talaga. I wonder kung babaero ba si tito Bryan at kung sa kanya ba nagmana ang magaling niyang anak.