bc

THE GREAT CHASER

book_age16+
1
FOLLOW
1K
READ
confident
student
sweet
bxg
genius
campus
highschool
first love
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

This is a story about a not-so-smart girl named Giesela Marquez, who falls inlove with a smart and handsome guy, Jay Costales since highschool year. Once, Giesela decided to confess her feelings to Jay but she was rejected. It didn't stop Giesela to like Jay, instead she try everything to notice her.

"Huwag kang mag-alala makukuha rin kita! Makukuha rin kita!"she always keep that in her mind.

So, Giesela keeps chasing after Jay up until now that they're both in college!

chap-preview
Free preview
CHASER 01
I hope you read it! Enjoy! Is it? "Tara cutting tayo!" masigla ngunit pabulong na sabi ng kaibigan kong si Hani na kumakagat pa sa fried chicken na hawak niya. B.I talaga 'to! Naranasan mo na bang magcutting-classes? Pwes, ako wala pa! In my entire life! Takot ko lang sa Mama ko 'no! At tyaka, bakit ko naman gagawin 'yun e, ako na nga ang pinaka bobo sa section namin e, tapos maiisip ko pang maglakwatsa sa kalagayan na 'to!  Kung 'yung oras na gagamitin ko para sa paglakwatsa ay ilalaan ko nalang sa pakikinig sa discussion ng teacher. Char! Parang natatawa ako 'dun sa part na "pakikinig sa discussion ng teacher" e natutulog lang naman ako sa buong klase e. But I think I will experience it now dahil dito sa B.I kong kaibigan! Pareho kaming napatigil ng kaibigan kong si Faye dahil sa sinabi ng kaibigan namin. Ano na naman kaya pumasok sa utak ng babaeng 'to at nandamay pa siya? Nandito kaming tatlo sa canteen, kumakain. Tuwing ala-una ng hapon kami kumakain ng aming lunch kasi ito lang 'yung time na hindi masyadong puno ng estudyante ang school canteen. At mas bet namon 'yun. Masayang pumalakpak ng kanyang kamay si Faye,kaibigan 'din namin, na parang masayahing seal na medyo classy ang dating."I like it! I like it! Let's go to our mall, Dad said may bagong open na boutique store 'dun!"excited niyang sabi. Gulat na napatingin sa kanya si Hani."Talaga?! Sige sige tara punta na tayo!" akmang tatayo na siya, ready to go na talaga pero hinawakan ko ang kamay niya at hinila pabalik sa upuan niya. "Gaga ba kayong dalawa? Ba't kayo magka-cutting e, may klase pa tayo ngayong hapon."mataray kong sabi sa kanya. "Ikaw ang gaga! Alam ko na may klase pa tayo, kaya nga tayo magka-cut para hindi tayo pumasok sa next subject. At anong sinasabi mong kayo, tayong tatlo dzae! Kasama ka!"singhal niya. Napapikit ako ng aking mata dahil nararamdaman ko talaga ang pagtalsik ng laway nitong si Hani. San Juan lang girl? Ang alam ko tapos na 'yun. "Ews kadiri ka Hani. Yung laway mo parang shower girl!" sabi ko habang pinapahiran ng tissue ang mukha ko na inabot ni Faye sa akin. "Blessing 'yan girl kaya magpasalamat ka nalang!" "Pero are you not going to make sama to us Lala? I know you also like dresses diba? Baka may magustuhan ka 'dun sa store."panghihikayat naman ni Faye. Isa pa 'to! Itong dalawang 'to imbes na mag-aral ng mabuti mas pinili pang magcutting-classes. Alam naman nila kung ano ang posisyon namin sa ranking last exam. Dito kasi sa school namin inira-rank ang mga students based on their scores from their exams. At hindi lang 'yun sa section niyo, but whole year level 'yun in each courses! At masasabi ko na hindi maganda ang naging resulta ng sa aming tatlo. Over two hundred students ang meron sa year level namin,first year. Apat ang sections nito, 1A,1B, 1C and 1D. Dahil sa pasang-awa ang mga grades naming tatlo no'ng nasa Senior High kami ay napunta kami sa last section, which is 1D, so malamang nasa 1A and 1B ang mga bright students. Average naman ang nasa 1C. "Ayokong sumama, kayo nalang."sabi ko habang nakatingin sa kanila. Nalaglag ang balikat nilang dalawa dahil sinira ko ang excitement nila at na disappoint. "You're so KJ Giesela!"maarteng sabi ni Faye. "Sus, gusto lang 'yan magpapilit."ngiwi naman ni Hani sa akin. "Heh! Alam niyo kayong dalawa imbes na magdoble kayod tayo sa pag-aaral, lakwatsa ang inaatupag niyo. Baka nakakalimutan niyo, nasa hulihang rank tayo mga dzae last exam."litinya ko at pinagkrus ang mga kamay sa aking dibdib. "Aysus, nagulat ka pa  talaga 'dun Lala? Diba kahit no'ng nasa SH pa tayo ganoon na naman palagi ang position nating tatlo. Nasa second to the last ka, sa itaas mo naman is ako, tapos nauuna sa atin itong si Faye!"sabi niya habang at nangalumbaba. Yun na nga e! Nakakasawa na palaging nasa second to the last ng ranking. Sasabihin ng mga tao hanggang 'dyan lang ang kaya ng utak ko, bobo kung tawagin nila. And ayoko no'n! Paano ako mapapansin ni Jay kung palagi lang akong nasa hulihan diba? "Oo alam ko. Pero diba gusto kong mapansin ako ni Jay? Pano mangyayari 'yun kung hindi man lang ako maalis sa lowest rank na 'yun? Baka isipin niya na bobo ako." "BOBO KA NAMAN TALAGA!"sabay na sabi nina Faye at Hani. Agad ko naman silang tinignan ng masama. Iba 'din ang dalawang 'to. "Huwaw nahiya naman ang utak ko sa inyo. Baka nakakalimutan niyo magkaka-kaibigan tayong tatlo. Iisa lang ang utak natin. Makapagsalita kayo!"singhal ko sa kanila. "Yeah you're right! Three bodies one mind!"ngiting sabi ni Faye. "Bodies lang! Walang mind!" pagtatama naman ni Hani. Mga baliw! Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanila kanilang dalawa. "HINDI.AKO.SASAMA."matigas at seryoso kong sabi. Meanwhile... "Are you sure Hani that this is the way? Baka we're lost na . Gusto ko pang mabuhay wala ng magmamana ng kayamanan ng parents ko if I'll die here!"maarteng sabi ni Faye habang nakayakap sa braso ko. Nandito kami ngayon sa masukal at madamong bahagi ng campus namin. I really meant it kanina na hindi talaga ko sasama sa dalawang 'to, kaso mapilit talaga sila e. Tao lang po ako, natutukso 'din! Ang sobrang taas ng mga d**o dito na lagpas pa sa akin na matangkad kaysa sa dalawa ko pang kaibigan. Dahil sa first time ko ngang mag-cut class at first time ko 'ding nalaman na may ganito palang part ang campus namin. Parang out of the woods lang ang peg! "Ba't ba kasi dito tayo dumaan Hani, pwede namang sa gate nalang e. Ang sakit sa balat ng mga d**o dzae grabe!"saad ko sa kanya na nasa unahan namin ni Faye dahil siya naman ang naka-isip na dito kami dumaan, dahil short cut daw "kono" ito. Biglang napatigil si Hani kaya napatigil 'din kami ni Faye. Nagtataka akong tumingin sa kanya. Ba't siya tumigil? May nakasunod ba sa amin? Hala lagot! "Aray!"napahimas ako sa noo ko dahil malakas itong pinitik ni Hani. Ang bigat pa naman ng kamay ng babaeng 'to dahil sa malusog ang mga ito kagaya ng katawan niya. "Obob ka talaga Lala. Hindi mo ba naisip na kapag sa mismong gate tayo dumaan, sa tingin mo papayagan tayong lumabas ni Bato?"nakapamewang niyang tanong sa akin. Ang tinutukoy niyang bato ay hindi 'yung mismong bato na nakikita mo sa kahit saan, hindi rin siya si Dela Rosa na nakikita mo sa telebisyon. Well, somehow may similarities 'yung dalawa naman kasi, pareho kasi silang kalbo. Siya 'yung sobrang stikto at nakakatakot na security guard ng campus namin. Kaya siya tinawag na bato dahil nga ssa pareho sila ni Dela Rosa na kalbo, malaki ang tiyan, kayumangi ang balat, may katamtamang taas at napaka-seryosong mukha. Every student here in our campus is scared at him. Kasali na kaming tatlo 'dun! "How can she makes isip. Remember she doesn't have a utak" natatawa at maarteng sabi ni Faye sa tabi ko. I glared at her because of what she said. Piktusan ko kaya 'to ng matauhan siya kung sino ang sinasabihan niya na walang utak?! "Hahahahah. I know right Faye sinabi mo pa!" tumatawa 'ding sabi naman nitong si Hani with matching tulak pa sa braso ko. Required ba talaga na kung tumatawa ka is manunulak ka ng katabi mo? Nakakainis kasi e. I took a deep breath and bored na tumingin sa dalawa na sobrang nage-enjoy sa pang-aasar sa akin. Nakapamewang akong tumingin sa kanila. "O sige dito nalang tayo tumabay. Tapos pag-usapan natin 'yung kabobohan ko kasi nakikita ko na nage-enjoy kayo e!" sabi ko at naupo sa damuhan and crossed my arms over my chest. Diyan sila magaling! Making fun of me! Akala mo naman ang pe-perfect nang dalawa 'to. Sunod-sunod lang naman kami sa ranking e. "Pwede rin 'yang suggestion mo dzae. Pero ayoko kasing malaman e. Baka mahawaan ako,and mas bet ko 'yung mga damit kaysa sayo, kaya tuloy tayo sa mall nila Faye!"sagot ni Hani at tinalikuran kami para maglakad ulit. Iniabot naman ni Faye ang kamay niya sa akin to lift me up from the grass. I shake off my skrit to remove the small weeds and soil there. Sumunod kami sa dinaanan ni Hani na bigla nalang nawala. Asaan naman kaya 'yung tabachingching na 'yun? Yumakap naman ulit si Faye sa braso ko. May kaibigan 'din ba kayo na parang tarser kung maka kapit sa braso niyo? Na kung saan ang tingin nila sa braso mo is sanga ng puno? Ganyan kasi si Julienne Faye e, habit niya 'yung kumapit sa braso ng kasama niya. Sa aming dalawa ni Hani, sa akin siya mas comfortable kumapit dahil ang sabi niya ang taba daw ng braso ni Hani na iniisip niya na parang sa paa ng baboy. Habang 'yung sa akin daw ay perfect as a sanga ng puno dahil payat. Di ba ang sama niya? "Asaan na ba 'yung isang 'yun? Pag talaga tayo nahuli, lagot talaga sa'kin 'yung isang 'yun!" naiinip 'kong sabi. Naiinis akong naglakad ng mabilis habang sinusundan ang dinaanan kanina ni Hani kaya medyo nahihila ko si Faye sa tabi ko dahil sa naka-kapit parin siya sa braso ko. "Hoy ang bagal niyong dalawa. Bilisan niyo!"rinig naming sigaw ni Hani. Nakarating kami sa pinakadulong bahagi ng nagta-taasang d**o na 'to. Wala ng mga d**o 'dun, sa palagay ko ay pinutol ito ng mga estudyante na dito dumadaan kapag gustong tumakas. Perfect for escaping nga naman talaga ang daan na 'to. Dahil sa sobrang taas ng mga d**o na lampas tao ang taas, ay for sure na hindi ka mahuhuli. Nakatayo kami ngayon sa harapan ng pader na sa palagay ko ay ang naging divider ng campus namin at ng outside world. Char ! Basta 'yun na 'yun. "Pano mo nalaman ang daan na 'to ulit Han?" tanong ko sa kanya habang nakatingala sa mataas na pader. Actually hindi naman siya sobrang taas, sakto lang naman para sa aming tatlo. "Basta 'wag ng madaming tanong Lala. Pasalamat ka nalang kasi may dadaanan na tayo. O siya! Sino ang mauuna?" nakataas ang kaliwa niyang kamay na tanong sa amin at excited na tumingin sa amin. "Me first Han. I don't know how to climb a pader !"maarte namang sabat ni Faye. "I don't know how to climb a pader kaya. Ang arte mo dzae! You know is that?!" she mocked her. Faye crossed her arms over her chest while her other brow raised."Edi huwag nalang tayong umalis. Baka you forgot na kaya tayo magka-cut because pupunta tayo sa mall namin"mataray niyang sabi. "Char char lang Faye! Ito naman hindi ma-joke si beautiful."paglalambing niya dito at lumapit sa kanya. "Ako nalang kaya ang mauna?"I suggested. "NO!"sabay silang napalingon sa akin. Nagulat naman ako dahil dito. Ay iba! "Char kaylangan unison mga dzae? Chillax!" I said and held up my both hands para ipakita ang aking pagsuko. "Ok fine. Ikaw na Hani ang muna, beacuse you're so mabigat. Lala and I will just help you to make akyat in that pader"turo ni Faye sa pader at tumingin kay Hani. "Ang harsh mo 'dun sa part na mabigat ako Faye ha! Pero nevermind nalang. Una akong aakyat tapos next ka, then last si Lala kasi magaling 'yan sa pag-akyat."nakangisi niyang sabi at nag-wiggle pa ng kaniyang kilay. "Sige sige deal. Pagnakalabas na tayo, let's get straight to the waiting shed okey?Doon na tayo magkita-kita."bilin ni Faye. So, ayun nga, lumapit na kaming tatlo sa harapan ng pader. Pinagtapat naming dalawa ni Faye anfg aming mga palad while bending our knees para ito ang tutung-tungan ni Hani para maka-akyat siya sa pader. Sa part na may nakalitaw na steelbar na medyo kinakalawang na kami pumewsto, para may mahahawakang suporta si Hani when she goes up na. We counted one to three and full force na iniangat ang napaka-bigat naming kaibigang si Hani. Nasobrahan na siguro 'to sa pagkain ng binibinta ng pamilya niya na fried chicken. "Ang b-bigat m-mo n-naman H-Hani."nahihirapang sabi ni Faye. "Bawasan mo na ngang kumain dzae, ang bigat mo talaga sobra bes."dagdag ko naman. Siguro isang sako ng bigas ang bigat ng babaeng 'to. Feeling ko na-sctretch ang mga buto ko. Hindi na ako magugulat kapag may pilay na ako mamaya. When she finally reach the top of the wall ay naupo siya 'dun while looking at us. Pareho kaming hinihingal at hinahabol ang hininga ni Faye. "Thank you guyses!" happily she said and gave us both a wink. Dahan-dahan na siyang tumalikod sa amin at tumalon pababa papunta sa kabilang bahagi. So finally naka labas na siya! Hindi ako gaanong nahirapan kay Faye dahil hindi naman siya sobrng mabigat kaya ang dali na naangat ko ang katawan niya, just using my both hands. And for the first time in forever kasi hindi ko siya narinig na nagreklamo. She thank me and then jumped off the wall. It's my turn now! Dahil sa matangkad ako ay naabot ko ang taas ng pader, I was ready to climb pero napansin ko na wala ang bag ko. Napatingin ako sa likuran ko, and saw my bag on the ground. Nakalimutan kong inilapag ko nga pala 'yun kanina 'dun para hindi mahirapang buhatin si Hani. I sighed and walk toward my bag and tamad na pinulot ito. Isinakbit ko ito sa aking aking harapan and bumalik 'dun sa pader. I was counting and was ready to jump para maka-akyat sa pader when I heard someone cleared his throat. Then there, nakatayo ang lalaking nakasuot ng puting polo shirt na may pin ng logo ng school namin and black slacks partnered with his black shoes na nakatingin ng masama sa akin. Jay Costales. Fudge ang awkward ng posisyon mo Lala! Para akong butiki na nakadikit sa ceiling ng bahay! Naalis ang tingin ko kay Jay ng makarinig naman ako ng kaluskos mula sa damuhan. "Ang sakit naman ng mga 'to. Hoy Jay asaan ka---O look who's here the cute Giesela is in the house" then there nakita kong lumbas ang kanang kamay s***h best friend of Jay na si Noe. Jay is the President of the SSG kaya hindi na ako magugulat kung bakit siya nandito ngayon at kasama niya pa 'tong si Noe na V-Pres ng SSG. Nakakabilib lang na nasundan pa talaga nila kami dito. Wait? Baka naman kaya siya sumunod dito kasi sinusundan niya ako?! Maisip ko lang na si Jay Costales, my long time crush followed me makes me happy. Pero alam kong malabo 'yun! Ako kaya ang naghahabol sa lalaking 'to! Bigla ko namang naalala na kaya pala ako nandito ay dahil maka-cuting classes kami nina Faye at Hani. Kaso nakaalis na ang dalawa at ako ang naiwan. Ang malas ko naman o! Pero suwerte 'din naman kasi nakita ko ngayon si Jay! Pero I'm sorry mylove, kaylangan ko munang suwayin ka ngayon. I slightly jumped para maka-akyat ako ng pader at nagawa ko 'din naman 'yun ng madalian. "Huwaaaw. Ang astig mo talaga Giesela. Unbelievable!"puri ni Noe sa akin. I smiled and thanked him. Pero napatingin ako sa lalaking nasa tabi niya.Ang sobrang dilim at sama ng tingin niya sa akin. Pero shems! Feeling ko maiihi ako sa panty ko dahil sa titig niya. "Get down." He said. "Sorry mylove. Ngayon ko lang talaga 'to gagawi---"he cut me off. Char maka "mylove" ka 'dyan Lala parang pag-aari mo lang girl a? Kapalmoks ka dzae! "Get down from there."matigas niyang sabi. His jaw clenched while gritting his teeth and he balled his first na parang nagtitimpi. Hala kahit galit ang gwapo parin ng lalaking 'to. "Sus umalis kana Lala. Huwag kang makikinig dito.Iisipin ko nalang na hindi ka namin nakita. Kaya go!" nakingiting sabi ni Noe kaya napatingin sa kanya si Jay ng masama. He quickly bowed his head. "Palampasin mo lang muna ako Jay, para namang hindi mo ako mahal o! Promise ngayon lang talaga 'to. Please! Please! Please!"I beg at him while rubbing my hands together. Sana naman gumana 'tong pagiging cute ko sayo mylove! "I SAID GET DOWN!" Biglang tumahimik ang buong paligid kahit na tahimik na naman ito kanina. Parang feeling ko nga nabulabog ang mga hayop dito e, para kasing lumipad ng mga ibon dahil sa sigaw niya e. Hala nag-iisog na talaga hiya! Pero dapat hindi tayo matakot Lala, porket mahal kita Jay ay matatakot na ako agad sayo at magiging sunud-sunuran? Never in your wildest dream! "Ito na nga, baba na!" pagsuko ko. Inalis ko ang bag ko at itinapon sa baba. Pinulot naman ito ni Noe at pinagpagan para alisin ang dumi nito. Sobrang sama parin ng tingin sa akin ni Jay na kulang nalang ay tuklawin niya ako na parang leon.Rawr. His forehead creased and brows frown while glaring at me. Mamamia! Hala pero pano nga pala ako makaka-baba dito sa pader na 'to? Kaenes na naman o! Pag-akyat lang ang alam ko! Ay basta bahala na si Superman, Batman , Wonderwoman at lahat ng Man sa mundo pati 'yung THE MAN ni Taylor Swift sa akin! I was about to jumped off from the wall pero bigla nalang ako na-out of balance at dahan-dahang nahulog. Goodbye earth na 'dis! Alam ko talaga na lupa ang kababagsakan ng puwet ko dahil nga sa na-out of balance ako, pero I was waiting to fall on the ground and kiss it pero dalawang matitigas na braso at mabangong amoy ang sumalo sa akin. I slowly removed my hands covered on my face and ganoon nalang ang aking gulat ng mukha ni Jay ang bumungad sa akin. His arms are wrapped around me, sinalo niya pala ako! Sobrang lapit namin sa isa't isa kaya hindi ko maiwasang pagmasdan at suriin ang kabuuan ng kanyang napaka-gwapong mukha. My heart beat so fast. Especially when his dark brown eyes stared at me. But, Is it impossible to happen that when you look at someone's eye, you can remember all the hurful words they said to you? 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.0K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

Rewrite The Stars

read
101.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook