TILA nahinto sa pagpintig ang puso ko nang sandaling makita ko silang nakatayo mismo sa harap ko. Nakatingin sila sa akin at kapareho ko ay parang nagulat din. Bakit ba kasi sa dinami-rami ng lugar na puwedeng magkrus ang mga landas namin ay dito pa sa ospital? Buti sana kung sa pasilyo lang o sa ibang bahagi, at hindi rito sa mismong harap ng clinic ng Ob-gyne. Mas mabilis pa sana akong makakaapuhap ng salitang sasabihin ko sakaling magtanong sila. Eh, kaso kitang-kita nila ang paglabas ko mula sa loob. Ano ang sasabihin ko? Nagpa-pap smear ako? Eh, alam naman ni Joaquin na hindi ako nagpapagano’n. At saka kahit mag-deny ako ngayon kapag nagtanong siya kung buntis ako, puwede niyang itanong ulit sa Ob-gyne kung ano ang pina-check up ko. Ilang segundo rin kaming natahimik. Pero sa huli

