ISANG linggo na ang nakakaraan simula nang magpasya akong lisanin ang aming tahanan. Sa simula ay talagang nanibago ako. Ang lungkot, sobrang lungkot ang mag-isa. Pero wala rin namang ipinagkaiba ang lungkot ng pag-iisa sa lungkot na nararamdaman ko noong nasa bahay pa ako. Dalawa nga kaming nakatira roon, pero parang nag-iisa lang din ako. Daig ko pa ang araw-araw na binabagsakan ng langit at lupa kapag naroon ako kasama si Joaquin at naalala ang mga ginawa niya. Saksi ang bahay na iyon sa kahayupan nila kaya marapat lang na umalis ako roon. Pasasaan ba at masasanay rin ako sa ganitong set-up. Ilang buwan na lang din naman, lalabas na ang anghel ko, kaya hindi na rin ako mag-iisa dahil dalawa na kami. Dalawa na kaming haharapin ang buhay nang magkasama. Mabilis kong tinapos ang pag-aay

