CHAPTER 59

2201 Words

KABALIKTARAN ng inaasahan kong dami ng tao ang naabutan ko rito sa simbahan. Konti pa lamang ang narito dahil siguro maaga pa. Akmang isasawsaw ko na sana ang aking daliri sa may holy water na nakalagay sa holy water stoup nang biglang may kumalabit sa aking likuran kaya nahinto ang aking kamay. Isang batang babae na siguro ay nasa sampu ang edad na may hawak na sampaguita ang aking nalingunan kasama ang mas maliit pang batang lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay nasa apat na taong gulang pa lamang. “Miss ganda, bili po kayo ng sampaguita. Pambili lang po ng pagkain namin ng kapatid ko,” ani ng batang babae. Nahabag ako sa hitsura ng dalawa dahilan para hindi ako agad makahuma sa kinatatayuan ko. Tila may humaplos sa aking puso dahil sa kahabag-habag na hitsura ng magkapa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD