CHAPTER 65

1507 Words

“ANO’NG ginagawa mo rito? Paano mo nalaman na narito ako?!” sikmat ko sa kaniya saka agad na hinawakan ang kaniyang braso nang mahigpit. Wala akong pakialam maski masaktan siya. Ang mahalaga ay mapaalis ko siya rito bago sila magpang-abot ng asawa ko. “Aray! Wait lang, Joaquin, hear me out first. Pakinggan mo muna ang sasabihin ko at pagkatapos nito, hindi mo na ako makikita. Hindi na ako manggugulo kahit kailan.” Napatigil ako sa pagkaladkad sa kaniya matapos marinig ang kaniyang mga sinabi. Matalim ko siyang tiningnan saka pabalang na binitiwan ang kaniyang braso. “Speak. Bilisan mo dahil any moment darating na ang asawa ko. Ayokong magpang-abot kayo rito,” malamig kong turan. “Can we talk inside? Promise, mabilis lang. Five minutes will do. Hindi ako magtatagal.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD