Joaquin TANGHALIANG tapat pero nagkalat ang basyo ng alak dito sa loob ng aking kuwarto. Ramdam na ramdam ko na ang pagkahilo dahil tila umiikot na ang aking paligid. Namamanhid na rin at tila nangangapal ang aking mukha. Pero bakit gano’n? Kahit lunurin ko ang sarili ko sa alak ay hindi pa rin maalis-alis ang sakit na nararamdaman ko? Kahit saglit lang sana. Kahit ngayon lang sana ay maramdaman ko ang pamamanhid ng puso ko sa sakit. Pero wala, eh. Mas tumitindi pa ang pangungulilang nararamdaman ko ngayong pinasok na ng espiritu ng alak ang utak ko. Miss na miss ko na ang asawa ko. Pero wala naman akong magawa dahil ang lahat ng nangyayari ngayon ay pawang kagagawan ko. Ako ang puno’t dulo ng lahat ng nangyayari ngayon. Kaya masisisi ko ba ang asawa ko kung iwanan na niya ako ng tuluya

