PINAGMASDAN ko ang mukha ni Joaquin habang payapa pa rin siyang natutulog. Lumipas na ang higit-kumulang limang oras ay hindi pa rin ito nagigising. Nakakaramdam na ako ng pagkabahala dahil sa sinabi ng doktor kanina na maaari siyang ma-coma kapag hindi siya nagising sa loob ng bente kuwatro oras. Medyo naging matindi raw kasi ang pagkakahampas ng kaniyang ulo sa matigas na bagay dahil sa aksidente. Kung magising naman daw siya ay may posibilidad din na mawala ang kaniyang memorya. Bukod pa roon ay may mga natamo rin siyang fracture sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan. Pinakamalala ay ang nasa kaliwang paa niya. Kinailangan pa nilang operahan iyon kanina para mapagdugtong ang butong nabali. “Hoy, babaero, gumising ka na riyan dahil marami ka pang kasalanan sa akin na dapat mong pa

