“SA pagkakaalam ko, sissy, ugali ang pagiging tanga at hindi ginagawang hobby!” nakairap na talak ni Riva sabay higop ng kape mula sa styro cup na hawak niya. Tinawagan ko kasi siya kanina para pakisuyuan na bantayan muna si Joaquin maski sandali lang para makauwi ako at makakuha ng mga damit naming pamalit. Baka kasi kapag iniwan ko si Joaquin dito nang mag-isa, bigla na namang sumulpot ang haliparot na si Michelle. “Bakit hindi mo na lang kasi pinabayaan na iyong malanding si Michelle ang magbantay diyan? Aba, eh, sa dami ng masasakit na ginawa sa iyo ng lalaking ’yan, hindi niya deserve ang pag-aalaga mo,” muli niyang ani. Nagkibit-balikat ako saka nagyuko ng ulo. Tinitigan ko ang styro cup na may lamang gatas na hawak ng magkabila kong kamay. Dinadama ko ang init na hatid nito sa ak

