Chapter 37 JEANNA NASA LABAS na ako ng mansion ng mga Sartillo nang mag-ring ang cellphone ko. Tumatawag si nanay. Nangungumusta at ibinalita sa akin ang alok ng dati kong teacher na ngayo'y nagtuturo na sa isang private school. Pinasasabi raw ni Ma'am ang tungkol sa bakanteng posisyon doon sa kanilang school at tinatanong kung interesado raw ba ako para magkaroon ng teaching experience. Habang nasa biyahe ako ay pinag-iisipan ko ang alok na iyon. Pakiramdam ko ay napapanahon iyon dahil may mga tao akong kailangang iwasan sa ngayon at alam kong hindi makabubuti kung ipagpipilitan ko na magkasundo-sundo kami sa kabila ng hindi pa naghihilom na mga sugat. Maging ako man ay hindi pa handang harapin si Jerico. Maarte man siguro kung iisipin ay hindi tama ang ginawa niyang pagpapamukha ni

